BREAKING NEWS

Sue Prado tunay na alagad ng sining, ‘di nagpabayad sa isang pelikula

Sue Prado tunay na alagad ng sining, 'di nagpabayad sa isang pelikula

BINIGYANG-pugay ng direktor na si Roman Perez Jr. ang namayapang award-winning theater, TV, at movie actress na si Sue Prado.

Sa isang Facebook post, ibibahagi ng direktor ang isang video clip mula sa pelikulang “Sol Searching” noong 2018 kung saan gumaganap ang aktres bilang nanay na nakikiusap sa guro na payagan at tanggapin ang anak kapalit ang isang manok at kambing.

“Pagpupugay sa Buhay! Alternative Cinema Queen Sue M. Prado ARTISTA NG BAYAN,” panimula ni Direk Roman.

Pagpapatuloy pa niya, hindi raw tumanggap ng talent fee ang aktres sa kanyang naging partisipasyon sa naturang pelikula.

Baka Bet Mo: ‘Barber’s Tales’ star Sue Prado pumanaw na sa edad 44

“Hindi nagpabayad para sa isang pelikula. Kapag alam niyang may adbokasiya ang Pelikula. SOL SEARCHING 2018,” sey pa ni Direk Roman.

Matatandaang marami ang nagulat nang mabalitaan ang biglaang pagkamatay ni Sue.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si May Shereen sa isang Facebook post noong Miyerkules, April 15.

“Our dearest Sue M. Prado has become a constant star in the night sky,” sey ni May.

Pagpapatuloy niya, “It is with profound pain that we share Sue’s passing. Sue brought light in anyone’s path throughout her life. A life lived for others, for the craft she nourished and for those who she loved most.”

Samantala, hindi naman na inilahad kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng aktres.

The post Sue Prado tunay na alagad ng sining, ‘di nagpabayad sa isang pelikula appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Sue Prado tunay na alagad ng sining, ‘di nagpabayad sa isang pelikula Sue Prado tunay na alagad ng sining, ‘di nagpabayad sa isang pelikula Reviewed by pinoyako on April 19, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close