BREAKING NEWS

Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’

Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MULING binalikan ng Orange & Lemons ang isa sa pinakakontrobersyal na yugto ng kanilang career –ang plagiarism issue ng kanilang hit na “Pinoy Ako.”

Sa presscon na dinaluhan ng BANDERA para sa promo ng bago nilang single na “Too Young to Be Old,” diretsahan nang inamin ng frontman na si Clem Castro na bahagi na lang ng kanilang kasaysayan ang isyu, at wala na silang nararamdaman tungkol dito.

“Wala na. We don’t feel anything about it,” pag-amin niya.

Sey pa niya, “It’s an essential part of our history because ‘Pinoy Ako’ made us in a way na we had to experience the bad side of showbiz.”

Baka Bet Mo: Orange & Lemons aarangkada sa Europe, bagong kanta pa tungkol sa adulthood

Dagdag pa ng bokalista, “How it would affect people from Bulacan, who came from nowhere, who have no money, tapos biglang rose to fame. And hindi namin kinaya yung fame and money. Nadiscaril kami sa goals namin when we were starting. And forgot to look back.”

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid09XPJYD8je9wXBpNVY44i9geZXMgYd6QtrwayykqQjz89d8QgVfmzxiDydSZ6b8Lql&show_text=true&width=500" width="500" height="773" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Aminado rin si Clemen na ang karanasan nila mula sa kontrobersiya at ang unang disbandment nila noong 2007 ay nagbigay sa kanila ng mas malalim na maturity bilang artists at bilang tao.

“Marami akong natutunan dyan sa business. It changed us,” wika niya.

Matatandaang nadamay ang banda sa isyu noon kahit sila lang ang kumanta ng “Pinoy Ako,” at ang komposisyon nito ay gawa ni Jonathan Manalo. 

Ngayon, mas malinaw na raw ang pananaw nila sa industriya.

“Dati kasi creative lang kami. Gusto lang namin tumugtog. Pero we are not aware na there’s a business side. Kailangan natin maintindihan yung business side,” sambit ni Clem.

At dahil mas wise na raw sila ngayon sa music industry, may bonggang plano pa ang banda.

Pagbubunyag nila, ire-record nila ulit ang kanilang albums para sila na ang fully may-ari ng kanilang masters.

“We were the first artist to re-record our first album and we might do the same for other albums as well. Down the line, we will Taylor Swift some of that sh*t,” wika pa ng frontman.

Samantala, after four years, balik-recording scene ang Orange & Lemons sa kanilang bagong single na “Too Young to Be Old,” kasunod ng album nilang “La Bulaqueña.”

At syempre, handa na rin ang banda sa kanilang European tour na magsisimula na sa Mayo!

“We never played in Europe, and it’s more than six months of planning, and it coincided with the plans to release an album,” kwento ni Clem.

Aniya pa, “Sayang nga lang, na-release namin siya nang mas maaga pero we wanted the sound to [be faithful] to us so we invested in a recording studio of our own.”

Narito ang listahan ng mga bansa at dates ng kanilang European tour:

May 14 – Dublin, Ireland (The Academy)

May 16 – London, England (Dingwalls)

May 17 – Birmingham, England (Hare & Hounds)

May 18 – Liverpool, England (Cavern Club)

May 22 – Geneva, Switzerland (Esther House)

May 23 – Milan, Italy (Alcatraz)

May 24 – Madrid, Spain (Mon Madrid)

May 30 – Frankfurt, Germany (Zoom Frankfurt)

May 31 – Stavanger, Norway (Fiskepiren)

June 5 – Amsterdam, Netherlands (Toekomstmuziek)

June 6 – Marseille, France (Le Molotov)

June 7 – Paris, France (Les Disquaires)

The post Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’ Orange & Lemons sa naging isyu sa ‘Pinoy Ako’: ‘It changed us!’ Reviewed by pinoyako on April 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close