BREAKING NEWS

Katrina Halili, Kris Lawrence sa tunay na estado: ‘Reset ng friendship!’

Katrina Halili, Kris Lawrence sa tunay na estado: ‘Reset ng friendship!’
PHOTO: Instagram/@katrina_halili

NILINAW nina Katrina Halili at Kris Lawrence ang current status ng kanilang relasyon matapos umugong ang espekulasyon na baka nagkabalikan na sila. 

Ayon sa dalawa, kahit may mga bonding moments sila kamakailan, wala umanong romantikong pagbabalikan na naganap.

Matatandaang naghiwalay ang dating magkasintahan noong 2014 matapos ang limang taong relasyon. 

Kamakailan lang ay napa-isip ang netizens nang ibandera ni Katrina ang video mula sa kanilang trip sa El Nido, Palawan na may caption na “where everything resets.”

Baka Bet Mo: Katrina Halili, Kris Lawrence nagkabalikan na nga ba?

Sa panayam nila kay Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda,” diretsahang sinagot ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang samahan.

“Reset ng friendship…kasi first time lang din namin nag-bonding nun eh,” sagot ng batikang aktres. 

Ibinahagi rin niya na nagkita sila noon bago lumipad si Kris papuntang Estados Unidos, pero hindi pa sila nagkaroon ng mahabang usapan sa panahong iyon.

Diretso ring umamin si Kris nang tanungin kung nagkabalikan sila. 

“No, we have not. Hindi kami nagkabalikan Tito Boy,” pag-amin niya kay sa King of Talk.

Gayunman, aminado ang singer na nagpapasalamat siya sa pagkakataong muli silang nagkaayos.

“But like I said, I’m really, really grateful for this time that we have together because honestly, when we became okay this year 2026, Katie has been probably the best that I’ve ever seen her,” saad niya.

Ikinatuwa rin ni Kris ang magandang pagbabago sa kanilang anak na si Katie matapos silang magkaayos ni Katrina. 

“Her smile has been more genuine. Yung kilos niya mas gumanda. You could just tell that she’s so much happier. We’re doing this all for Katie. Where the road leads, we don’t know. But at least, it’s fine,” dagdag pa niya.

Bagama’t bukas umano si Katie sa ideya na makita silang mas sweet sa isa’t isa, tinawanan lang ito ng dalawa at iginiit na masaya sila sa kasalukuyang setup. 

“I don’t think anyone could be ready. It just happens,” saad ni Kris, habang sabi naman ni Katrina, “Sa ngayon, nag-eenjoy lang kami sa company ng bawat isa.”

Ayon sa kanila, nagsimula ang muling closeness nila dahil sa hangaring mapabuti ang komunikasyon para sa kanilang anak. 

Inamin ni Katrina na marami siyang realizations noong nakaraang taon.

“Communication lang…Nabanggit ko rin before na last year, ang dami kong realizations. Minsan magso-sorry ako kay Katie kasi lagi kong inuuna yung trabaho. Natatakot ako paano kung mawala ako, ang dami kong [iniisip] na mga ganon,” lahad ng aktres.

Patuloy niya, “Last year sobrang sensitive ko…Na-realize ko na sige nga, kung ano man ‘yung mga feeling ko kulang na ginagawa ni Kris, okay na nga. Ako rin naman na kasama ni Katie mismo may mga pagkukulang din. Parang, ‘Sige, okay na. Magtulungan na lang tayo for Katie.’”

Para kay Kris, naging turning point ang pagdalo niya sa birthday ni Katrina noong Enero.

“For that, I am super grateful. Last year, she gave me the hardest year ever. We were not on good terms last year. This year, it was her birthday that changed everything,” kwento niya.

“I am very thankful that I went because I feel like my presence on her birthday is when everything changed,” saad din niya, habang inaalala na muntik na niyang hindi puntahan ang nasabing okasyon.

Sa kabila ng mga pinagdaanan, tiniyak ni Kris na sinikap niyang maging present sa buhay ng kanilang anak, isang hakbang na nagbukas muli ng maayos na samahan nila ni Katrina.

“I saw her whenever I could…I really understand where [Katrina] is coming from. Over the years, [I have also realized that] I wanted to be a better human being. I wanted to be a better father. So [I] have to show up,” aniya.

The post Katrina Halili, Kris Lawrence sa tunay na estado: ‘Reset ng friendship!’ appeared first on Bandera.


Uploaded Image
Katrina Halili, Kris Lawrence sa tunay na estado: ‘Reset ng friendship!’ Katrina Halili, Kris Lawrence sa tunay na estado: ‘Reset ng friendship!’ Reviewed by pinoyako on April 25, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close