Kathryn Bernardo iniintriga, engaged na nga ba?
USAP-USAPAN ngayon ng madlang netizens kung totoo ba ang kumakalat na chikang engaged na ang Kapamilya artist na si Kathryn Bernardo?
Lumabas ang chika na baka engaged na ang aktres matapos mapansin ng mga matang lawing netizens ang singsing na may malaking bato na suot-suot ng dalaga.
Sa isang Instagram post mula sa hair salon ay makikita si Kathryn na umaawra ay kapansin-pansin nga ang singsing na suot nito.
Kaya naman hindi napigilan ng madlang pipol na magsiyasat kung talaga nga bang papasok na sa panibagong chapter ang aktres.
Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo, Mark Alcala naresibuhan, magkasama sa Thailand airport
Isa netizen nga rin ang nagbahagi ng naturang larawan ni Kathryn sa Reddit na umani ng samu’t saring komento mula sa netizens.
“Yan video galing zerolstory. At mukhang hindi ganyan ni KB i-aannounce if ever engage na siya. And yung ring right hand yan, pag engagement and wedding ring left hand,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “yun din una kong napansin. nasa right hand. and tama ka, sa ugali ni Kathryn, hindi sa ganyang way nya laannounce yan. sa magarbong pictorial nya yan gagawin tulad ng idol nyang si taylor swift.”
“Wrong hand din, should be the left hand pag engaged,” set naman ng isa.
May nagsasabi naman baka ayaw lang patalo ni Kathryn sa dating dyowa na si Daniel Padilla na napapabalitang ikakasal next year sa aktres na si Kaila Padilla.
Well, wala pa ngang kumpirmasyon kung dyowa na nga ba talaga niya ang Lucena mayor na si Mark Alcala kaya for sure ay kung engaged na ito ay mauuna muna ang confirmation niya sa relasyon nila sa kabila ng mga chikang sila na.
The post Kathryn Bernardo iniintriga, engaged na nga ba? appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 24, 2026
Rating:

No comments: