Karina Bautista ibinandera ang bagong tahanan: From Bahay ni Kuya to…
MASAYANG ibinandera ng Kapamilya actress na si Karina Bautista ang panibagong milestone sa buhay dahil finally ay may matatawag na siyang sariling tahanan.
Matagal nang pangarap ng aktres ang magkaroon ng sariling bahay kaya naman hindi niya napigilan ang maging super happy habang ibinabahagi ang bagong blessing sa kanyang Facebook post nitong Lunes, April 20.
“Welcome sa aking munting tahahan. From Paranaque, Makati, Mandaluyong, QC… ramdam ko ‘yung hirap, pagod, at lungkot ng bawat hakot at paglilipat,” panimula ni Karina.
Pagpapatuloy niya, “Kaya I’ve always craved for a home. I tried looking for it in people, in places, in moments… pero ngayon nahanap ko na! At sa wakas… AKIN NA!”
Baka Bet Mo: Karina Bautista hindi um-attend ng ABS-CBN Ball, walang budget
Sa naturang video ay maririnig si Karina na super saya sa pagtu-tour sa mga manonood ng kanyang bagong tahanan.
Bagama’t wala pang laman ay sobrang excited ng dalaga sa bagong achievement.
“From Bahay ni Kuya to Bahay ni Karina. Sobrang happy ko lang na in fairness naman malayo-layo na rin pala ‘yung narating natin in life,” sabi pa ng aktres.
Ramdam na ramdam sa dalaga ang pagiging masaya at fulfilled ngayong may maituturing na siyang kanya.
” So nice na I can have place na I can say na will always be mine,” sey pa ni Karina.
Matatandaang noong 2022, ibinandera rin ng aktres ang kanyang pagbili ng real estate property sa Tagaytay para sa l pamilya.
Para sa mga hindi aware, nagsimula ang showbiz career ni Karina matapos ang pagsali sa “Pinoy Big Brother: Otso” noong 2018.
The post Karina Bautista ibinandera ang bagong tahanan: From Bahay ni Kuya to… appeared first on Bandera.
Reviewed by pinoyako
on
April 21, 2026
Rating:

No comments: