BREAKING NEWS

BINI kinilala sa Senado matapos ang pasabog na Coachella 2026!

BINI kinilala sa Senado matapos ang pasabog na Coachella 2026!
PHOTO: Instagram/@bini_ph

PROUD na proud ang buong bansa sa nation’s girl group na BINI, kaya naman pinarangalan sila sa Senado!

Isang resolusyon ang inihain nitong Biyernes, April 17, na nagbibigay-pugay sa walong miyembro ng grupo matapos silang maging kauna-unahang Pinoy act na tumapak at mag-perform sa prestihiyosong Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California.

Sa ilalim ng Resolution No. 370 na inakda ni Senador Bam Aquino, kinilala ang BINI sa pagdadala ng karangalan sa Pilipinas matapos ang kanilang performances noong April 10 at 17.

Kung napanood niyo kahit sa live streaming, todo-hataw ang girl group sa kanilang 10-song set na kinabibilangan ng hit songs nila na “Pantropiko,” “Salamin-Salamin,” at “Karera.”

Baka Bet Mo: BINI 2nd Pinay act na kinilalang Global Force awardee sa Billboard Women in Music

Para sa mga hindi aware, kilalang isa sa pinakamalaki at pinaka-bonggang music festivals sa buong mundo ang Coachella, na dinarayo ng mahigit 500,000 music lovers taon-taon, kasama ang mga sikat na global stars.

“BINI’s performance showcased Filipino pride through the use of traditional elements, including the salakot and tropical-inspired attire, as well as a fusion of contemporary and traditional styles in their costumes, music, and choreography,” sey ni Aquino sa nasabing resolusyon.

Bukod sa kanilang talento, umani rin ng papuri ang grupo dahil sa kanilang makulay at makabayang outfits na may halong tradisyunal at modernong estilo.

Dagdag pa ng senador, dumating ang tagumpay ng grupo sa panahong humaharap sa iba’t ibang hamon ang bansa, kaya naman nagsisilbi itong inspirasyon at pagmamalaki para sa mga Pilipino.

“BINI’s achievement serves as an inspiration to young Filipinos, demonstrating that Filipino talent can thrive and gain recognition on the world stage through passion, discipline, and excellence,” dagdag pa ni Aquino.

Ayon pa sa senador, inaasahang magsisilbing daan ang Coachella debut ng BINI para mas mapalago pa ang P-pop industry at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa Filipino artists sa international scene.

Sa huli, naniniwala ang senador na ang tagumpay ng grupo ay maghihikayat ng mas matinding suporta sa creative industries bilang mahalagang pwersa sa innovation, trabaho, at inclusive growth.

The post BINI kinilala sa Senado matapos ang pasabog na Coachella 2026! appeared first on Bandera.


Uploaded Image
BINI kinilala sa Senado matapos ang pasabog na Coachella 2026! BINI kinilala sa Senado matapos ang pasabog na Coachella 2026! Reviewed by pinoyako on April 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close