BREAKING NEWS

AI cameras ng MMDA huhulihin, babantayan mga nagtatapon ng basura sa kalye

AI cameras ng MMDA huhulihin, babantayan mga nagtatapon ng basura sa kalye

LALONG maghihigpit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) pagdating sa kalinisan sa kalsada!

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre II, posibleng sa susunod na linggo ay gamitin na ang artificial intelligence (AI) cameras para tukuyin at hulihin ang mga magtatapon ng basura sa maling lugar sa Metro Manila sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ito ay kasunod ng nauna niyang pahayag na palalawakin na rin ang NCAP para bantayan ang littering o pagtatapon ng basura gamit ang mga CCTV cameras. 

Sa ngayon, ginagamit pa ang NCAP sa pagmo-monitor ng mga traffic violations sa major roads sa Metro Manila.

Baka Bet Mo: LIST: Mga kalsadang sakop ng balik-‘No Contact Apprehension’ ng MMDA

“After one week, we may start implementing this program using cameras, and we will send notices of violation to erring individuals,” sey niya na iniulat ng INQUIRER.

Paliwanag pa niya, bagama’t maraming local government units (LGUs) na ang may mga ordinansa laban sa improper waste disposal, layunin ng MMDA na mas maipatupad ito nang mas maayos gamit ang teknolohiya tulad ng AI cameras.

“Just because there are no enforcers, you can do what is wrong. We just want to make sure that we are implementing laws uniformly and consistently using the technology,” sambit pa niya.

Dagdag din ng MMDA, may mga parusa pa rin na ipapataw depende sa LGU na maaaring first, second, at third offense, at may kaakibat na multa.

Ipinaliwanag ni Torre na kaya ng AI cameras na tukuyin kung sino ang nagtatapon ng basura sa maling lugar. 

Kung sakaling ang violator ay nasa loob ng sasakyan at nangyari ito sa EDSA, kayang ma-flag ng system ang details ng sasakyan para matukoy ang may sala.

May mga AI cameras din umano na inilagay malapit sa mga creek para mahuli ang mga nagtatapon ng basura doon, at ang impormasyon ay ipapasa sa mga barangay para sa imbestigasyon.

“We are not doing this for surveillance purposes. We want to implement the law equally, so if you do nothing wrong, you have nothing to be scared of. But if you did something bad, there would be consequences,” aniya.

Giit pa ni Torre, malaking tulong din ito para mabawasan ang pagbaha tuwing tag-ulan, dahil umaabot umano sa humigit-kumulang 7,000 tonelada ng basura ang nakukuha ng MMDA mula sa mga estero at creek kada taon.

The post AI cameras ng MMDA huhulihin, babantayan mga nagtatapon ng basura sa kalye appeared first on Bandera.


Uploaded Image
AI cameras ng MMDA huhulihin, babantayan mga nagtatapon ng basura sa kalye AI cameras ng MMDA huhulihin, babantayan mga nagtatapon ng basura sa kalye Reviewed by pinoyako on April 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close