Tito Sotto dedma sa chikang papatalsikin siya bilang Senate President

HINDI nababagabag si Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa kumakalat na pagpapatalsik sa kanya sa pwesto ng marami sa mga kapwa senador.
Ayon sa kanya, hindi na niya ikinagugulat ang pag-ugong ng kudeta sa Senado simula pa noong 8th Congress.
"Nothing new I served at the pleasure of my colleagues," sey ni Sotto.
Idinagdag pa niya na nananatiling solido ang mayorya, na binubuo ng 15 na senador.
Baka Bet Mo: Sonny Trillanes sa pagtatago ni Bato: Baka napapraning, natatakot siya!
Sa pagkalat sa social media na uupo na ang kauna-unahang Senate President, sinabi ni Sotto na marami siyang nababasa.
"Hindi lang 'yun. Maraming, pinakamaraming fake news sa social media," dagdag pa ni Sotto.
Samantala, ipinagkibit-balikat na lamang din ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang sinasabing pagpapalit ng liderato sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
"Sabi ko nga like rebellion, its a continuing crime. Ganyan naman talaga dito, kung walang numerong 13 or more, walang mangyayari," ssambit ni Lacson.
The post Tito Sotto dedma sa chikang papatalsikin siya bilang Senate President appeared first on Bandera.

No comments: