BREAKING NEWS

Ben&Ben ramdam ang matinding pressure sa ‘Duyan’: Kaya hindi namin agad nilabas

Ben&Ben ramdam ang matinding pressure sa 'Duyan': Kaya hindi namin agad nilabas

HINDI naging madali para sa Ben&Ben ang desisyong ilabas ang kanilang bagong single na "Duyan." 

Sa likod ng lambing at ganda ng kanta, inamin ng banda na naging emosyonal at mabigat ang pressure ng pinagdaanan nila bago tuluyang ibahagi ito sa publiko.

Sa music video launch na dinaluhan ng BANDERA, ibinahagi ni Miguel Benjamin Guico na espesyal ang timing ng pag-release ng "Duyan", lalo't karamihan sa kanila ay nasa yugto na ng buhay kung saan kasal na o kakakasal pa lamang.

"Feeling namin itong kantang 'to, makaka-relate at makaka-connect 'yung mga tao who are in the same season of life. Kasi 'Duyan' is a song about commitment. Isang klase ng pagmamahal na mare-realize mo lang kapag handa ka nang mag-settle down with someone," sey ni Miguel.

Baka Bet Mo: Ben&Ben Paolo na-'prank' sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02Z6KdWrSucqPgM2EzonkCEm6wEXJE21Y2KKA8LDnhyqShnYWF2FW8DhHYhbLKLwB4l&show_text=true&width=500" width="500" height="710" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Pero kasabay ng kahulugan ng kanta ay ang bigat ng pressure, lalo na't sinusundan nito ang mga minahal na love anthems na "Pagtingin" at "Araw-Araw."

"To be very honest, the pressure was very high ever since," pagtatapat ni Miguel. 

Patuloy niya, "Kaya nga hindi agad namin siya ni-release. Pakiramdam namin, tapos na yung story noon. Ang makakapag-unlock lang ng kasunod ay kapag may kantang darating na hindi inaasahan at napakalalim ng pinagmulan."

Ayon sa kanya, dumating lang ang tamang panahon matapos ang ilang taon, at nang mapagtanto nilang bukas ang naging ending ng "Araw-Araw", nais nilang tapusin ang kwento sa paraang puno ng pag-asa ngunit may parehong lalim.

Bukod sa pressure sa kwento, personal din ang hamon sa paggawa ng kanta. 

Ibinahagi ni Miguel na isinulat niya ang "Duyan" tatlong araw bago ang kanyang kasal, sa gitna ng stress, logistics, at emosyon ng nalalapit na wedding.

"Naisip ko, wala ba akong vows? Tapos alam kong competitive yung asawa ko," biro niya.

Dagdag pa niya, "Nung pauwi na ako, may dumating na melody. Lumabas lahat ng emosyon—'yung mga hindi mo nasasabi. Nakakaiyak, nakaka-overwhelm. Tatlong oras akong naka-park sa sasakyan. Natapos yung kanta that very night."

Para sa banda, mas mahirap pa ang desisyong ilabas ang kanta.

"Napaka-delicate nung kanta," sambit ni Toni Munoz. 

Paliwanag pa niya, "Parang binigyan kami ng isang bagay na sobrang fragile. Paano namin siya hahawakan? Paano namin siya ilalabas nang hindi nawawala 'yung pakiramdam nung unang beses naming narinig 'yon? Lahat kasi kami naiyak nung narinig namin si Miguel na kumanta."

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/ZFcWYt6-CyE?si=u1N96wryzgV9g8Et" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Si Andrew De Pano naman ay nagbahagi ng isa pang pananaw: "Napaka-sacred nung kanta para kay Migs. Kaya natanong namin, bakit okay lang na i-share siya sa mundo? Pero totoo yung sinabi niya—once you bring something out, hindi na lang siya kwento mo. Nagiging kwento na rin siya ng iba."

Ang "Duyan" ay isang pop-rock ballad na sinulat ni Miguel at prinodyus ng Ben&Ben kasama ang longtime collaborator na si Ziv.

Ito ang huling kabanata ng Mahiwaga Trilogy, kasunod ng "Pagtingin" at "Araw-Araw."

Sa direksyon ng Lunchbox Studios sa pamumuno ni Daniel Aguilar, tampok sa music video ang kwento ng pag-ibig na sinusubok ng panahon, highs at lows ng pagsasama, at ang pagbabalik sa kung saan nagsimula ang lahat.

Ang "Duyan" ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide via Sony Music Entertainment.

The post Ben&Ben ramdam ang matinding pressure sa 'Duyan': Kaya hindi namin agad nilabas appeared first on Bandera.


Ben&Ben ramdam ang matinding pressure sa ‘Duyan’: Kaya hindi namin agad nilabas Ben&Ben ramdam ang matinding pressure sa ‘Duyan’: Kaya hindi namin agad nilabas Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close