Elisse Joson never naging kabit: Leaving false narratives in 2025!

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Elisse Joson tungkol sa alegasyon na isa siyang kabit at cheater.
Mariing pinabulaanan ni Elisse sa pamamagitan ng isang TikTok video na in-upload niya nitong January 1, 2026 ang chikang naging kabit siya, third party at honewrecker.
Mapapanood sa video ang aktres na nili-lip sync ang pak na pak ngayong tugtog na Taco Truck x VB at Radio mashup.
"Goodbye 2025. Time to clear the air—not a kabit. Never was. 2026: minding my own business, building, and choosing peace," ang nakalagay sa text caption ng kanyang post.
"Leaving false narratives in 2025. Entering 2026 lighter," aniya pa.
Dagdag hugot pa niya, "The year that broke me and quietly rebuilt me. Thank you, 2025. Hello, 2026. I'm excited for you! Wishing the new year to be kinder to you in all the ways you need."
Bago magpaalam ang 2024, may chikang nahuli raw si Elisse na ka-MOMOL si Joshua Garcia sa Star Magical Christmas Ball.
Pagkatapos naman niyang aminin na muli silang naghiwalay ng live-in partner niyang si McCoy De Leon noong July, 2025, natsismis namang may relasyon daw sila ng basketball player na si Kobe Paras.
Naisyu rin noon na siya raw ang third party sa breakup ng estranged couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
The post Elisse Joson never naging kabit: Leaving false narratives in 2025! appeared first on Bandera.

No comments: