BREAKING NEWS

Bea Borres barag kay Senyora: Ikalma ang kiffy, mag-focus kay Pea!

Bea Borres barag kay Senyora: Ikalma ang kiffy, mag-focus kay Pea!
Bea Borres at Meiko Montefalco kasama ang kanyang 'Mystery Guy'

DINOGSHOW ng social media personality na si Senyora ang content creator na si Bea Borres tungkol sa hiling niya na magkadyowa ng gwapo.

Pak na pak sa mga netizen ang palitan ng mensahe nina Bea at Senyora  kaugnay ng viral "pa-hard launch" ng social media personality na si Meiko Montefalco sa bago nitong boyfriend.

Ibinandera kasi ni Meiko ang litrato nila ng isang gwapong guy na pinaniniwalaang bagong boyfriend ni Meiko, ilang buwan matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng  mister na si Patrick Bernardino.

Noong May, 2025, ibinuking ni Meiko ang umano'y panloloko sa kanya ng asawa na sinasabing meron daw kabit na nakasama nito habang siya ay nasa Boracay.

At sa pagpasok nga ng Bagong Taon, naging usap-usapan sa iba't ibang social media platforms ang tungkol sa lalaking kasama niya sa mga bago niyang litrato. Komento ng mga netizens, tila nag-upgrade raw si Meiko pagdating sa pagpili ng dyowa.

Isa sa mga nag-comment sa post ni Meiko ay si Senyora nga, "Good morning sa lahat! Lalo na kay Meiko na napunta na rin sa tunay na tao. Congrats!"

Hirit naman ni Bea, "I hope i'm next."

Pero agad din siyang binasag ni Senyora, "Bea Borres ikalma ang kiffy. Magfocus kay Pea." Ang tinutukoy niyang Pea ay ang ipinagbubuntis ngayon ni Bea sa dati niyang partner.

Ipinost pa ni Senyora ang screenshots ng convo threads nila ni Bea kung saan napa-"oo" na lamang ang pregnant vlogger. 

Hirit pa niya kay Bea, "Tsaka ka na gumaya kay Meiko. Ipadlock mo yan Bea Borres."

Samantala, ibinahagi naman ni Bea ang screenshot ng palitan nila ni Meiko ng mensahe kung saan mababasang  pinayuhan ng content creator si Bea na "pogi na ang papatulan".

Sana raw ay matuto na silang pareho sa mga naging experience nila at baka pag-untugin na raw sila ni "Mommy Oni" na ang tinutukoy ay ang kapwa nila social media perasonality na si Toni Fowler.

Ang caption ni Bea sa kanyang post bilang sagot sa paalala ni Meiko, "Noted teh pero Pea muna for now."

The post Bea Borres barag kay Senyora: Ikalma ang kiffy, mag-focus kay Pea! appeared first on Bandera.


Bea Borres barag kay Senyora: Ikalma ang kiffy, mag-focus kay Pea! Bea Borres barag kay Senyora: Ikalma ang kiffy, mag-focus kay Pea! Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close