Travel Tips: Mga dapat malaman sa pagpili ng mga maleta bago bumiyahe

KUNG balak niyong magbakasyon, local man o abroad, alamin niyo muna kung anong luggage ang perfect para sa travel niyo.
Hindi 'yung basta cute lang kundi dapat matibay, magaan, at syempre madaling makita sa airport carousel.
Dahil diyan, nakausap natin ang ilang eksperto pagdating sa travel gear upang himayin kung ano ba talaga ang dapat piliin kapag maleta ang usapan.
1. Alamin ang materyales
"Luggage has different materials depending on what you need…ang hardest material ay ang polycarbonate," sey ni Joy Capriso, isang luggage expert at general manager ng HEYS Philippines.
Baka Bet Mo: 7 Holiday Tipid Tips: Budget-budget din 'pag may time mga ka-BANDERA!
Kung mahilig kang magbitbit ng babasagin, mga pasalubong, o mga gadget, mas safe ang 100% polycarbonate dahil super tibay nito at may solidong hulma.
Pero kung type mo naman ang mas flexible, maraming mailalagay, at pang-siksikan-is-life, pwede ang tinatawag na duraflex type.
"Duraflex material is lighter…at marami kang masisiksik at talagang mae-expand mo pa siya," paliwanag ni Capriso.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1279272670671025&width=500&show_text=true&height=1061&appId" width="500" height="1061" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> 2. Piliin ang magaan
"You need very light…Meaning, marami kang malalagay. It should be durable, it should be light, and should be stylish," sambit ni Lot Tan, isa pang travel gear specialist at presidente ng HEYS Philippines.
At may dagdag payo pa si Tan: "Huwag muna kayong mag-black dahil marami nang naka-black."
So kung ayaw mong ma-"Ma'am, sa akin po 'yan!" moment, go for colors na madali mong makita.
Hindi kailangan pa-bongga…kahit pastel, neon, o kahit anong may personality.
3. Check the wheels, handles at loob ng luggage
Hindi sapat na cute at makintab ang luggage dahil dapat smooth ang spinner wheels para hindi ka parang naghihila ng cement mixer.
Need din na solid ang handle, 'yung hindi nanginginig.
Baka Bet Mo: Legal tips ng CIA with BA para sa magbabakasyon ngayong Semana Santa, summer
At siyempre, siguraduhing maayos ang compartments, kabilang na ang zipper dividers, pockets, at compression straps.
Kasi kung hindi ka organized, kahit 30 kg allowance mo, parang 10 kg lang ang kasya.
4. Expansion feature
Isa 'to sa pinaka importanteng feature ngayong holiday season dahil kung may 20% expansion, siguradong may space ka para sa pasalubong, extra shopping at biglang bilin ni ng pamilya at mga kaibigan.
5. Eco-friendly options
Dahil maraming Pinoy na rin ang environment-conscious, may mga modernong maleta ngayon na gawa sa recycled PET bottles, at kahit lining sa loob ay recycled din.
Kung eco-warrior ka, hanapin 'yung mga ganitong option sa stores.
6. Be early sa airport
Siyempre, ang pinakamahalagang paalala ni Capriso, "Be early rin sa airport!"
Kasi kahit gaano kaganda luggage mo, kung last-minute ka darating, wala ring silbi dahil hindi rin pala maisasakay ang maleta mo, pati ikaw!
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fpermalink.php%3Fstory_fbid%3Dpfbid0A2ZnwKGhLVCNoPGa8Mfnfmrf5xi7dJUNtU5kBLtXM2nXsdV7VKetK9upjEGSGPqBl%26id%3D61576219632847&show_text=true&width=500" width="500" height="679" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Bukod sa tips sa pagpili ng luggage, may mga bagong collections na swak sa Pinoy travelers.
Ayon sa travel gears experts ng Heys Philippines, tampok sa kanilang HiLite Collection ang magaan na design, expandable capacity, at vibrant colors kung saan madali kang makikilala sa airport at organized pa ang dala.
Gawa sa 100% polycarbonate, may fully-lined interior, zipper dividers, compression straps, at 360° spinner wheels para smooth ang biyahe.
Mayroon ding eco-friendly options tulad ng ReNew Collection at Xero Elite 2.0, gawa sa recycled materials para sa magaan at environment-conscious na packing.
Para sa hassle-free at stylish na holiday trip, piliin ang luggage na matibay, organized, at swak sa travel style mo.
The post Travel Tips: Mga dapat malaman sa pagpili ng mga maleta bago bumiyahe appeared first on Bandera.

No comments: