BREAKING NEWS

TNT finalist Aila Santos may major concert na; wish maka-collab si Regine

TNT finalist Aila Santos may major concert na; wish maka-collab si Regine
Aila Santos at R2K Band

IN FAIRNESS, napanganga at napa-wow ang mga member ng entertainment press sa husay mag-perform ng bireterang singer na si Aila Santos.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Aila ay naging "Tawag ng Tanghalan" season 2 semi-finalist sa "It's Showtime" na nagmarka sa mga manonood dahil sa versatility ng kanyang boses.

Naging  7th time defending champion si Aila sa "TNT" pero na-eliminate sa  semifinals round. Nabigyan uli siya ng chance na lumaban sa kumpetisyon sa naganap na "Ultimate Resbak" kung saan siya nag-trending worldwide.

Nabigyan kami ng chance na mapanood at mapakinggan ang boses ni Aila sa naganap na mediacon para sa first ever major concert niya, ang "It's My Turn: Aila Santos Live Concert" na magaganap sa December 13, sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City.

Kinanta niya ang version ni Mariah Carey ng "Against All Odds" nang super effortless na akala talaga namin ay lip sync dahil napakalinis at walang sabit na boses niya na kahit bumibirit na nang bonggang-bongga ay hindi masakit sa tenga.

Halos lahat yata ng genre ay kering-keri ni Aila – pop, soul, at kahit na jazz, kaya naman bentang-benta rin siya pati na ang kanyang bandang R2K hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Actually, malakas din si Aila at ang kanyang banda sa YouTube kung saan milyun-milyon na ang views ng kanilang soulful covers at mga OPM love ballad.

Ang mga miyembro ng R2K Band bukod kay Aila bilang lead vocalist ay sina Lucky Sunday Soriano (guitarist), Ephraim Dave Fernandez (drummer), Eric Corda (bassist), at Jason Nemenzo (keyboardist).

Nakapag-perform na ang grupo sa Australia at Dubai kung saan palagi nilang kinakanta ang mga sikat na sikat nilang cover repertoire, kabilang na ang "Almost Paradise," "Beauty and the Beast," "Time of My Life," at marami pang iba. 

Idol na idol ni Aila ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez at ultimate dream niya ang magkaroon sila ng collab para sa isang project.

Kuwento ni Aila, nakilala at naka-duet na niya si Regine sa isang event. Siya raw kasi ang nanalo sa pa-contest ng isang mall kung saan gagayahin nila si Regine sa pagkanta at ang isa nga sa premyo ay ang makasama sa isang stage ang showbiz icon.

Siguradong hindi masasayang ang perang ibibili n'yo ng ticket para sa "It's My Turn" concert ni Aila sa darating na December 13 sa Teatrino Promenade dahil sa galing niya on stage. 

Mabibili ang ticket sa kauna-unahang major concert ni Aila at ng R2K Band sa Ticketworld and experience their signature smooth vocals and heartfelt performances. Don't miss this unforgettable night of music and emotion from Stargaze Productions.

The post TNT finalist Aila Santos may major concert na; wish maka-collab si Regine appeared first on Bandera.


TNT finalist Aila Santos may major concert na; wish maka-collab si Regine TNT finalist Aila Santos may major concert na; wish maka-collab si Regine Reviewed by pinoyako on November 20, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close