BREAKING NEWS

Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa ‘A Werewolf Boy’

Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa 'A Werewolf Boy'

KAHIT sobrang busy sa kanyang mga proyekto, sinisiguro pa rin ng Viva Artists Agency (VAA) talent na si Rabin Angeles na naglalaan siya ng quality time para sa pamilya.

Siyempre, priority pa rin ni Rabin ang kanyang family sa Pampanga kahit na napaka-hectic ng kanyang schedule, kabilang na riyan ang shooting para sa launching movie niyang "A Werewolf Boy" under Viva Films.

Makakasama niya rito ang kanyang leading lady sa hit University series sa Viva One streaming platform na "Seducing Drake Palma" – si Angela Muji.

Kuwento ni Rabin sa isang panayam, kahit na hindi na siya regular na umuuwi sa Pampanga, close na close pa rin siya sa kanyang pamilya. 

Lagi rin daw niyang ina-update ang kanyang nanay sa mga nangyayari sa kanyang career, "Kapag po wala akong taping, ginagawa ko 'yung best ko para makauwi ng Pampanga, para kina Mommy

Baka Bet Mo: Rabin Angeles, Angela Muji sumabak na sa shooting ng 'A Werewolf Boy'

"Tapos dapat everyday tinatawagan ko siya. Kapag meron akong (pera) nagpapadala ako kila Mommy. Tapos kapag nagtatrabaho ako, nagtatrabaho talaga ako. 

"Naiintindihan naman ako ni Mommy, pero kailangan nakakabawi din ako sa kanila," sey pa ni Rabin.

Mas naging conscious na ngayon si Rabin sa kanyang katawan dahil sa mga ginagawa niyang projects that's why binabantayan niya ang kanyang mga nilalafang.

"Kailangan talaga. Kailangan lagi kang ready, paano kapag nagka-project ka na sobrang laki? Tapos hindi ako physically fit? Kailangan lagi maayos," sabi ng VAA matinee idol.

Dream leading lady ni Rabin ang award-winning actress at kapwa VAA talent na si Nadine Lustre at wishing siya na makasama ang dalaga sa isang proyekto.

"Gusto ko po someday magkaroon ng movie na parang Just a Stranger nina Marco (Gumabao) at Anne (Curtis), 'yung may older leading lady.

"Feeling ko ma-challenge ako sa role na 'yun, lalo na kung si Nadine Lustre 'yung ka-loveteam ko kasi sobrang galing niyang artista," aniya pa. 

Samantala, abangers na ang mga fans nina Rabin at Angela sa showing ng launching movie nilang "A Werewolf Boy" na talagang susubok sa kanilang galing sa pag-arte.

Nag-lock in shooting pa sina Rabin at Angela sa Taal, Batangas para sa kanilang first movie mula sa direksyon ni Crisanto B. Aquino.

Ang "AWerewolfBoy" ng RabGel ay ang Philippine adaptation ng South Korean blockbuster movie na pinagbidahan ng K-Drama superstar na si Song Joong-ki kaya naman aminado sina Rabin at Angela na matindi ang pressure na kanilang nararamdaman.

Isa sa ginawang paghahanda ng magka-loveteam ay ang pagsabak sa acting workshop upang maibigay nila ang tamang timpla ng aktingan para sa "AWerewolfBoy."

The post Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa 'A Werewolf Boy' appeared first on Bandera.


Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa ‘A Werewolf Boy’ Rabin Angeles bumabawi sa pamilya; excited na sa ‘A Werewolf Boy’ Reviewed by pinoyako on November 06, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close