PNPA instructor sinibak dahil sa sexual assault sa kadete

Trigger Warning: Mentions of sexual assault
TINANGGAL agad sa serbisyo ang isang instructor ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Ito ay matapos siyang mapatunayang guilty sa grave misconduct kaugnay ng reklamo ng pangmomolestiya laban sa isang kadete, ayon sa National Police Commission (Napolcom).
Kinilala ang sangkot na opisyal na si Police Maj. Anthony France Ramos, na sinibak sa pwesto matapos ideklarang responsable sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer, base sa desisyong inilabas ng Napolcom nitong Huwebes, November 6.
Nangyari ang insidente noong July 31 sa loob mismo ng quarters ni Ramos sa PNPA sa Silang, Cavite.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa sinitang nag-police uniform sa Halloween: Ang lakas maka-t*nga!
Ayon sa reklamo, pinuwersa umano ni Ramos ang kadete na gawin ang isang sexual act.
Pagdating ng mga rumespondeng pulis na sina Police Maj. Jay Zamora at Police Capt. Mark Daniel Maraquilla, nakita raw nila ang kadete na halatang nanginginig at sobrang distressed.
Giit ng komisyon, inalipusta ni Ramos ang kaniyang awtoridad para sa sariling kaligayahan, malinaw na paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code hinggil sa acts of lasciviousness, at isang matinding paglabag sa ethical standards ng PNP.
Sa ulat ng INQUIRER, matindi ang pahayag ni Napolcom Commissioner Rafael Vicente Calinisan: "The Napolcom will never condone any act of sexual misconduct by anyone in the police force, regardless of rank."
Dagdag pa niya, "Major Ramos' acts are despicable and should be strongly condemned and punished. He is unfit to continue wearing the police uniform."
Ayon kay Calinisan, patunay ito ng zero-tolerance policy ng komisyon pagdating sa anumang immorality at abuso sa kapangyarihan sa hanay ng pulisya.
Sa mga nakaraang taon, ilang beses nang nasangkot sa eskandalo ang PNPA, na nagte-train ng mga future officers ng PNP, BJMP at BFP, dahil sa mga kaso ng misconduct ng ilang kadete at instructors.
Tiniyak ng Napolcom na mas paiigtingin pa nila ang accountability sa loob ng academy upang hindi na maulit ang ganitong klase ng pang-aabuso.
The post PNPA instructor sinibak dahil sa sexual assault sa kadete appeared first on Bandera.

No comments: