Manny Pacquiao babu na sa ‘Physical: Asia’, relo mas mahal pa sa grand prize?

UM-EXIT na ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa "Physical: Asia" kahit na pasok pa rin ang Pilipinas sa naturang kompetisyon.
Ang "Physical: Asia" ay kasalukuyang napapanood sa inline video streaming platform na Netflix.
Sa ipinalabas na episode 5 ng programa, nag-sorry si Manny matapos ang kanyang paghahayag na kinakailanga na niyang magpaalam ng mas maaga kahit na pasok pa rin ang Team Philippines sa laro.
May kailangan kasi siyang gawin at asikasuhin sa Pilipinas na siyang dahilan ng kanyang pagkalas.
Baka Bet Mo: Manny Pacquiao itinalagang vice president ng International Boxing Association
"I wanted to take a moment and apologize to everyone. I have to leave the competition and return to the Philippines because of another obligation in my home country," pagpapaliwanag ni Manny.
Pinalitan naman siya ni Justin Hernandez, ang kauna-unahan at tanging Filipino male athlete na nakasali sa CrossFit Games bilang team captain.
Sa paglisan ni Manny, maiiwan sina Justin Hernandez, Fil-Am sambo athlete Mark "Mugen" Striegl, strongman Ray Jefferson Querubin, national rugby player Justin Coveney, national hurdler Robyn Lauren Brown, at CrossFit athlete Lara Liwanag sa Team Philippines.
Umani naman ng samu't saring reaksyon mula sa madlang pipol ang pag-exit ng Pambansang Kamao sa kumpetisyon.
"Liit daw ng prize sabi ni Manny sayang sa oras haha," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Dapat ang pinalit yung mayabang na si rendon labrador."
"contract ata na 2 rounds lang sya tapos uwi na . Ung prize kc dun 1% asset lang ni manny," sabi pa ng isa.
Hirit naman ng isa, "Oks lang yun. Mas mahal pa nga yung relo niyang Patek kesa sa premyo tapos madami pa silang maghahati."
Para sa mga hindi aware, ang "Physical: Asia" ay pinakabagong season ng Physical: 100 franchise, isang team competition na tampok ang mga nangungunang atleta mula sa iba't ibang lugar at bansa sa Asya.
The post Manny Pacquiao babu na sa 'Physical: Asia', relo mas mahal pa sa grand prize? appeared first on Bandera.

No comments: