BREAKING NEWS

Kiko Pangilinan sinopla si Bato dela Rosa sa pagbengga sa mga ‘Pinklawan’

Kiko Pangilinan sinopla si Bato dela Rosa sa pagbengga sa mga 'Pinklawan'

SINUPALPAL ni Sen. Kiko Pangilinan ang kapwa senador na si Sen. Bato dela Rosa sa naging pahayag nito laban sa mga tinawag niyang "Pinklawan".

Naglabas ng matapang na pahayag si Sen. Bato sa pamamagitan ng Facebook kung saan pinatamaan nga niya ang oposisyon at mga "komunista" matapos ang rebelasyon ni Zaldy Co tungkol sa isyu ng budget insertions at kickbacks.

"Tahimik ang Pinklawans & Komunista sa expose ni Zaldy Co. Strategize muna sila how to appear righteous & anti-corruption kuno at the same time prevent the downfall of this gov't from w/c they benifited a lot," ang patama ni Dela Rosa.

Sa inilabas na dalawang video ni Co, paulit-ulit niyang sinabing sina dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang nag-utos sa kanya na ilagay ang P100 billion budget insertion. 

Baka Bet Mo: Content creator nag-sorry matapos murahin si Kiko, umamin sa kasalanan

Inamin din niyang nag-deliver daw siya ng napakaraming maleta na naglalaman ng pera bilang kickback sa dalawang opisyal sa Forbes Park at Malacañang na una nang inihayag ng dati niyang tauhan na si Orly Guteza.

Ipinaliwanag ni Dela Rosa kung bakit ginawa ang insertion sa bicameral conference committee (bicam) sa halip na sa National Expenditure Program (NEP).

"Why make insertions when he can put it in the NEP? Answer: NEP goes thru scrutiny by both Houses while bicam does not. Decisions are made by 4 people under the baton of the President. That's why it is called insertion. They insert during bicam," sabi ni Bato

Dagdag pa niya sa kanyang FB post, "Ayan na! Sabi ninyo nagsinungaling si Sgt Guteza bakit kinonfirmed ni Zaldy Co na ito ay totoo? Diyos ko tabang!" 

Kasunod nito ay sinagot si Sen. Kiko Pangilinan ang naging pahayag ni Dela Rosa.

"Hindi kami nananahimik, nagmamasid kami at tinitimbang nang husto kung ano sa paniwala namin ang pinakamainam hindi para sa sinuman na nakaupo kundi para sa palagay namin ay ikabubuti ng bansa," depensa ni Pangilinan.

Aniya pa, "Responsibilidad namin tiyakin na may saysay ang ingay namin at mauuwi ito sa pagpapanagot sa mga nagkasala."

The post Kiko Pangilinan sinopla si Bato dela Rosa sa pagbengga sa mga 'Pinklawan' appeared first on Bandera.


Kiko Pangilinan sinopla si Bato dela Rosa sa pagbengga sa mga ‘Pinklawan’ Kiko Pangilinan sinopla si Bato dela Rosa sa pagbengga sa mga ‘Pinklawan’ Reviewed by pinoyako on November 15, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close