BREAKING NEWS

Fhukerat na-offload sa Dubai: Naiiyak ako na nanginginig

Fhukerat na-offload sa Dubai: Naiiyak ako na nanginginig

HINDI napigilan ng social media personality na si Fhukerat o si Kier Garcia sa totoong buhay ang maluha matapos hindi payagang makapasok sa Dubai dahil sa kanya umanong pananamit.

Noong una ay excited pa siyang ibahagi sa kanyang followers na nasa airport siya at nakatakdang lumipad papunta sa ibang bansa.

"Hello, mga ka fhukerat. Nandito ako sa airport, hindi ko muna sasabihin kung saan ako pupunta para hindi niyo alam. Para surpise," saad ng social media personality.

Ngunit ang kanyang excitement ay napalitan ng pighati matapos siyang ma-offload ng immigration sa naturang bansa.

Baka Bet Mo: Fhukerat trending sa paggamit ng passport sa domestic flight: Walang mali doon

"Nasa Dubai, pinauwi pa grabe. Naiiyak ako na nanginginig at takot," sabi ni Fhukerat.

Wala namang sinabing dahilan ang social media personality ngunit mabilis namang natukoy ng mga netizens na maaaring ang kanyang pananamit ang naging dahilan para hindi siya pahintulutan sa bansa.

Nang lumipad kasi ito pa-Dubai ay nakasuot ito ng pambabaeng kasuotan, naka-wig, may fake eyelashes at nail extensions.

Para sa mga hindi aware, mahigpit na ipinagbabawal sa Dubai ang pagko-cross dressing.

Samantala, base naman sa latest update ni Fhukerat ay nakabalik na siya ng Pilipinas.

"Nasa Pilipinas na ako. Thank you, Lord! Grabe! Sakit ng katawan ko. Sakit ng tyan ko kasi gutom ako wala akong kain.

"Kakain lang muna ako kasi wala akong matining kain for almost nine hours," lahad ni Fhukerat.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang social media personality sa lahat ng nag-message at nag-alala sa kanya sa naranasan sa Dubai.

The post Fhukerat na-offload sa Dubai: Naiiyak ako na nanginginig appeared first on Bandera.


Fhukerat na-offload sa Dubai: Naiiyak ako na nanginginig Fhukerat na-offload sa Dubai: Naiiyak ako na nanginginig Reviewed by pinoyako on November 19, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close