Eman Bacosa umamin: ‘Humahanga lang po ako kay BINI Mikha, walang malisya’

MUKHANG isa pa lang BINI fan si Eman Bacosa, ang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Huling-huli kasi siya ng eagle-eyed netizens na nagkomento sa isang BINI video sa TikTok, na ibinandera sa X (dating Twitter).
Ang caption pa nga ng netizen: "Natutuwa talaga ako kay Eman Pacquiao at mukhang bias niya si Mikha Lim hahaha Ang cutieee lang dahil matagal na siyang nakikinig ng BINI [happy face, blush face emojis]."
Kalakip niyan ang screenshot na ibinabandera ni Eman ang kanyang paghanga sa comment section: "Hello po idol [smiling emoji] galing niyo po [clapping hands emoji] God bless [blushing face emoji]."
Baka Bet Mo: Piolo Pascual aprub sa ka-lookalike na si Eman Pacquiao: He's a good kid!
Kasunod niyan ang kanyang paglilinaw dahil tila napansin niyang marami na ang nag-react sa kanyang komento: "Idol lang po guys [folded hands, happy face emojis] dati pa kasi ako nakikinig ng BINI [emoji] walang malisya God bless po guys [white heart emoji]."

Sa pamamagitan naman ng Thread post, umamin si Eman na idol niya si BINI Mikha at iginiit na walang malisya ang kanyang paghanga sa dalaga.
"Guys sa mga nag tatanong humahanga lang po ako kay mikha yun lang po walang malisya, God Bless [folded hands, white heart emojis]."
Aniya pa, "Just clearing the misunderstanding [happy face, white heart emojis]."

Bukod sa pagiging anak ni Pacman kay Joanna Bacosa, si Eman ay nag-trending sa online world kamakailan lang dahil sa pagkakahawig niya sa batikang aktor na si Piolo Pascual.
Para sa mga hindi aware, si Eman ay isa sa mga standouts sa Thrilla in Manila 2 matapos makuha ang record na 7 wins, 0 loss, 1 draw, 4 knockouts.
Ang event ay ay para sa paggunita ng 50th anniversary ng naging laban nina Muhammad Ali at Joe Frazier noong 1975 sa Pilipinas.
The post Eman Bacosa umamin: 'Humahanga lang po ako kay BINI Mikha, walang malisya' appeared first on Bandera.

No comments: