BREAKING NEWS

Donny Pangilinan nanibago sa taping dahil wala si Belle: May pressure! 

Donny Pangilinan nanibago sa taping dahil wala si Belle: May pressure! 
Donny Pangilinan, Belle Mariano at Kyle Echarri

"EXTRA challenge" para kay Donny Pangilinan ang gumawa ng isang teleserye na hindi kasama ang kanyang ka-loveteam na si Belle Mariano.

Ang tinutukoy ng Kapamilya actor at TV host ay ang latest series niyang "Roja" na mapapanopd na ngayong November sa iba't ibang platforms ng ABS-CBN.

Aminado si Donny na totoong nakakapanibago ang mag-taping para sa isang acting project na wala si Belle na nakasama niya nang ilang beses sa mga programa ng Kapamilya Network.

Napag-usapan at napagkasunduan naman daw nila ito ni Belle at very supportive sila sa isa't isa ngayong may kanya-kanya muna silang solo career.

Kung may "Roja" si Donny kung saan makakasama niya ang kaibigang si Kyle Echarri, may bagong movie naman ngayon si Belle, ang "Meet, Greet & Bye" kasama sina Piolo Pascual, Maricel Soriano, Joshua Garcia at JK Labajo under Star Cinema.

"So entering I didn't know what to expect, 'di ko rin alam kung ano magiging relationship ko with the cast members, kung ano 'yung magiging dynamics namin. 

"And it's my first also to do a project, siyempre, na 'yung co-lead ko is someone na kaibigan ko rin na lalaki.

"It's very different, the dynamics, 'di ba? So that, in itself, siyempre may pressure. But entering, I knew that it would also entail a lot of growth, maturity.

"And when you leave that comfort zone, parang du'n mo rin nalalaman 'yung mga emotions na 'di mo nararamdaman dati, mga eksena na 'di mo nagagawa dati.

"And, yeah, me and Belle are very supportive of each other and I think it's a very great position to be in," sey ni Donny sa mediacon ng "Roja" after ng special screening nito sa Trinoma Mall.

Samantala, inamin din ni Donny na na-intimidate siya sa mga kasamahan nilang veteran stars sa "Roja" lalo na kay Raymond Bagatsing na gumaganap na tatay niya sa kuwento.

"Yes, sa first scene namin ni Kuya Raymond. Hindi kasi kami muna nagkaroon ng pag-uusap o kung anuman bago kunan yung eksena. 

"'Yung first scene namin, even siya nagsabi sa akin, hindi pa namin alam ang energy ng isa't isa, medyo may awkwardness pa, but you know what happened even now, siya iyong naging super close ko sa set.

"May ganoon talaga eh, I'm a fan of his work, I even watch his Quezon's Game dati sa theater eh, I told him that. Yeah, there's always be that level of awkwardness especially you've never worked with that person. 

"But I think we all made a point that we've got to know each other 'yun ang mahalaga, eh. 

"Like I said, one take lang ang mga veteran they will have their own thing going on pagkatapos ng cut, pero hindi eh, sumasabay sila sa amin. Sumasabay sila sa mga bata or the young ones. And it all feels like a family gathering," ani Donny.

Sa tanong kung anong eksena yun, "I think it was the scene na basta nagalit siya sa akin, parang ganoon. 

"Not super heavy scene pero hindi okey ang relationship namin. It's one of those scenes na pinagsabihan niya ako. Kinukuwestiyon niya lang iyong gusto kong mangyari," aniya pa.

Napanood na namin ang pilot episode ng "Roja" at siguradong mahu-hook kayo dahil kakaiba ang tema at konsepto nito. At in fairness, magagaling lahat ng cast members, lalo na sina Donny at Kyle na hindi nagpalamon sa galing nina Raymond, Lorna Tolentino, Joel Torre at iba pa.

The post Donny Pangilinan nanibago sa taping dahil wala si Belle: May pressure!  appeared first on Bandera.


Donny Pangilinan nanibago sa taping dahil wala si Belle: May pressure!  Donny Pangilinan nanibago sa taping dahil wala si Belle: May pressure!  Reviewed by pinoyako on November 09, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close