BREAKING NEWS

Bela Padilla tinalakan si Rep. Cojuangco sa isyu ng baha, Slater Young damay

Bela Padilla tinalakan si Rep. Cojuangco sa isyu ng baha, Slater Young damay
Slater Young, Bela Padilla at Mark Cojuangco

SINERMUNAN ng Kapamilya actress na si Bela Padilla si Pangasinan 2nd District Rep. Mark Cojuangco matapos magkomento sa malawakang pagbaha sa iba't ibang panig ng bansa.

Isa si Bela sa mga bumanat sa kongresista nang mabasa ang pagkuwestiyon nito sa mga pamilyang Pinoy na nagtatayo ng bahay sa mga lugar na madalas binabaha.

Umani ng samu't saring reaksyon ang komento ni Cojuangco sa naging hirit nito sa ipinost ng isang netizen sa X kung saan mapapanood ang compilation video ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Tino sa Cebu.

Mapapanood sa isang bahagi ng video ang mga lugar kung saan nasa bubungan na ng kanilang mga bahay ang mga kababayan nating binaha habang basang-basa, umiiyak at humihingi ng tulong.

Mababasa sa caption ng video, "PANGARAP KO LANG TALAGA IS MAMATAY NA LAHAT NG CORRUPT SA PILIPINAS!"

Maraming nakisimpatya sa mga kababayan nating binaha at nawalan ng bahay at pangkabuhayan pero iba nga ang naging reaksyon dito ni Cojuangco na sinisi pa ang mga nagtayo ng bahay sa mga flood-prone areas.

"Bakit kasi sa flood plain gumawa ng tirahan? Takaw sakuna.

"Di mo ba napansin na yung diversion channel ay mas mataas kaysa yung lupa ng tirahan nila? Bakit doon? Ito na yung consequence ng choice na yun," sabi ng kongresista.

Ayon sa ilang netizens feeling "privileged" daw ang pahayag ni Cojuangco na akala mo kung sinong makapagsalita at makapanghusga sa mga mahihirap nating kababayan.

Komento ng isang X user, "Hindi nga kasi lahat may choice kagaya mo. Who in their right mind would want to choose to live in a hazardous place. Wala ngang choice diba? They have to settle kung anong pwede. A little compassion and kindness goes a long way, Cong."

Nireplayan naman siya ng kongresista, "No one should. Laging may choice. You should be angry right now. Engineering and sound reasoning gave way to 'compassion and kindness' years ago.

"Kaya nga nangyari ito. Suck it up and learn, or repeat it all over again later. Choice is ours."

Ni-repost naman ni Bela Padilla ang naging pahayag ni Cojuangco sa kanyang X account at sinabing sa halip na sisihin ang publiko mas mabuting tumulong daw muna ang kongresista.

"Respectfully, you don't start giving swimming lessons to a drowning man, sir. You save him first.

"Why didn't the LGUs stop them from building there in the first place?" sabi ng aktres.

Binanggit din niya ang pinag-uusapan ngayong Monterrazas de Cebu project  ng engineer at "Pinoy Big Brother: Unlimited" big winner na si Slater Young na isa sa mga sinisisi ngayon kung bakit nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Cebu.

Hirit ni Bela, "Common folk don't know where they can or can't build. I mean—look at Slater Young." Maraming netizens ang sumang-ayon sa punto ng aktres.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Cojuangco at Slater sa pambebengga sa kanila ni Bela.

The post Bela Padilla tinalakan si Rep. Cojuangco sa isyu ng baha, Slater Young damay appeared first on Bandera.


Bela Padilla tinalakan si Rep. Cojuangco sa isyu ng baha, Slater Young damay Bela Padilla tinalakan si Rep. Cojuangco sa isyu ng baha, Slater Young damay Reviewed by pinoyako on November 10, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close