BREAKING NEWS

Bongbong Marcos nagdeklara na ng state of national calamity 

Bongbong Marcos nagdeklara na ng state of national calamity 
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

NAGDEKLARA na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national calamity!

Ito ay matapos ang malawakang pinsala na iniwan ni Typhoon Tino at habang nakabantay ang buong bansa sa posibleng pagpasok ng Super Typhoon Uwan (Fung-wong) ngayong weekend.

"Because of the scope of the problem areas that have been hit by Tino and will be hit by Uwan, there was a proposal from the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)—which I approved—that we will declare a national calamity," sey ng presidente sa isang presscon sa Camp Aguinaldo na iniulat ng INQUIRER.

Dagdag pa niya, "Because many regions have been affected, almost 10 regions, and 10 to 12 will be affected by Uwan…if that many areas are involved, with that kind of scope, then it's a national calamity."

Baka Bet Mo: SSS nag-alok ng P20,000 calamity loan sa mga biktima ni 'Tino'

Sa ilalim ng deklarasyong ito, mas mabilis na makakahugot ng emergency funds ang mga ahensya ng gobyerno at mapapabilis ang pagbili ng mga kailangang ayuda at serbisyo para sa mga sinalanta ng bagyo.

Habang patuloy ang pagtulong sa mga lugar na winasak ng Bagyong Tino, tiniyak ni Pangulong Marcos na naka-full alert na rin ang gobyerno sa inaasahang bagsik ni Uwan. 

"Of course, we won't leave Cebu until everything is in place. It's the same thing—we'll do as much as we can to anticipate. Because if we anticipate well and prepare well, we can do a lot to lessen the impact," aniya.

Ayon sa NDRRMC nitong Huwebes, November 6, umabot na sa 66 ang kumpirmadong patay, 26 ang nawawala, at mahigit isang milyon ang apektado sa buong bansa. 

Pero base sa datos na nakuha ng INQUIRER mula sa mga lokal na opisyal, umakyat na sa 150 ang kabuuang death toll dahil kay Tino.

Kasabay nito, inalerto rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan para sa pagdating ni Uwan. 

Inutos nitong i-inspeksyon ang mga kalsada at tulay, linisin ang mga daluyan ng tubig at drainage, at mag-ipon ng relief goods bilang paghahanda sa inaasahang pagbaha at pagguho ng lupa.

Babala pa ng DILG: "We cannot be caught off guard. LGUs must take all precautionary steps now—activate disaster councils, prepare evacuation sites, and warn at-risk communities."

The post Bongbong Marcos nagdeklara na ng state of national calamity  appeared first on Bandera.


Bongbong Marcos nagdeklara na ng state of national calamity  Bongbong Marcos nagdeklara na ng state of national calamity  Reviewed by pinoyako on November 06, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close