ITCZ, Amihan magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Undas

PAALALA mga ka-BANDERA, huwag kalimutang magdala ng payong at kapote kung kaya ay bibisita sa sementeryo ngayong ginugunita ang Undas.
Walang bagyo, pero magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Northeast Monsoon o Hanging Amihan.
Base sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, October 31, ang ITCZ ay magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Davao Region, at Lanao del Norte.
Gayundin ang mararanasan sa Cagayan, Isabela, at Aurora na dulot naman ng Shear Line.
Baka Bet Mo: Kalma lang! Mga dapat tandaan sa tuwing may bagyo, pagbaha
Asahan naman na dahil sa Amihan, ang Batanes ay magkakaroon ng isolated light rains.
May isolated rainshowers and thunderstorms sa Bicol Region, the rest of Visayas, and the rest of Mindanao na epekto rin ng ITCZ.
Parehong panahon rin ang mangyayari sa natitirang lugar sa Luzon na dulot naman ng Localized Thunderstorm.
The post ITCZ, Amihan magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Undas appeared first on Bandera.

No comments: