Jodi Sta. Maria, Mika Salamanca sa mga kurakot: ‘Idilat mga mata hanggang 2028’

NADAGDAGAN ang mga artista na bumabanat laban sa mga kurakot, lalo na sa mga kontrobersyal na personalidad na nauugnay umano sa "ghost" flood control projects.
Hindi na rin nakatiis sina Jodi Sta. Maria at Mika Salamanca na nagpahayag ng kanilang saloobin.
Para kay Jodi, naniniwala siya na ito na ang panahon para magkaroon ng accountability ang mga sumira sa tiwala ng bayan.
"We work hard, give what we can, and pay our taxes trusting they serve the greater good," sey niya sa X (dating Twitter) post.
Baka Bet Mo: Vice Gov. Alex Castro sa ghost flood-control project: Kailangan may managot!
Aniya pa, "But when they uplift only a few, it makes me think — true change rests not only in our choices, but also in holding accountable those who deliberately break public trust."
<blockquote class="twitter-tweet" data-media-max-width="560"><p lang="en" dir="ltr">We work hard, give what we can, and pay our taxes trusting they serve the greater good. But when they uplift only a few, it makes me think — true change rests not only in our choices, but also in holding accountable those who deliberately break public trust. 💭💭💭</p>— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) <a href="https://twitter.com/JodiStaMaria/status/1962070981834621217?ref_src=twsrc%5Etfw">August 31, 2025</a></blockquote> <script async src="https://platform.twitter.com/widgets.js" charset="utf-8"></script> Samantala, nagpatutsada rin ang PBB Grand Winner na si Mika Salamanca na tila napapagod na rin sa paulit-ulit na eksena ng talamak na korapsyon sa bansa, lalo na ngayong kaliwa't kanan ang mga kamag-anak ng ilang opisyal na super flex ng kanilang crazy rich lifestyle sa social media.
"Alam kong madilim na, pero hindi ito oras para matulog. panatiliin nating dilat ang ating mga mata hanggang 2028. kaya ba?" saad niya sa kanyang X page.
<blockquote class="twitter-tweet" data-media-max-width="560"><p lang="tl" dir="ltr">alam kong madilim na, pero hindi ito oras para matulog. panatiliin nating dilat ang ating mga mata hanggang 2028. kaya ba?</p>— Mika Salamanca (@mikslmnc) <a href="https://twitter.com/mikslmnc/status/1962092296616456213?ref_src=twsrc%5Etfw">August 31, 2025</a></blockquote> <script async src="https://platform.twitter.com/widgets.js" charset="utf-8"></script> Kung tutuusin, hindi lang sina Jodi at Mika ang nagparamdam ng pagkadismaya.
Nauna na ring nagsalita sina Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Pokwang, Edu Manzano, Vice Ganda, Nadine Lustre at marami pang iba na nagpahayag ng kanilang frustration laban sa mga tiwaling opisyal at sa bonggang-bonggang pamumuhay ng ilan kahit kaliwa't kanan ang problema ng taumbayan.
Sa ngayon, mainit pa rin ang usapan sa socmed at tila hindi basta tatahimik ang mga netizens at showbiz personalities hanggang hindi nareresolba ang isyung ito.
The post Jodi Sta. Maria, Mika Salamanca sa mga kurakot: 'Idilat mga mata hanggang 2028' appeared first on Bandera.

No comments: