BREAKING NEWS

Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD), Kumakalat Ngayon Sa Bayan Ng Batangas


Iniimbestigahan ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng mga batang tinamaan ng hand, foot, and mouth disease (HFMD) sa Batangas.

Ang hand-foot-and-mouth disease ay isang nakakahawang impeksyon na karaniwan tumatama sa mga bata. Kasama sa mga sintomas nito ang mga sugat sa bibig at pantal pantal sa mga kamay at paa. Ang sakit sa kamay-paa-at-bibig ay kadalasang sanhi ng isang coxsackievirus.


Nasa 100 bata ang tinamaan ng hand, foot and mouth disease o HFMD sa bayan ng San Pascual, Batangas.


Iniutos na rin ni Mayor Antonio Dimayuga na suspendihin muna ang mga klase sa paaralan, mula Day Care hanggang Grade 3 sa mga eskuwelahan sa walong barangay, kabilang dito ang mga barangay ng Pook Ni Kapitan, Pook Ni Banal, Resplandor, Natunuan North, Antipolo, Mataas Na Lupa, Sambat At Sto. Niño.


Nagtutulungan na rin ang Rural Health Unit at ang Department of Education sa San Pascual para masugpo ang pagdami ng tinatamaan ng HFMD.

Nagsasagawa na rin ng disinfection sa mga eskuwelahan upang maiwasan ang pagkalat nito.

Ang hand-foot-and-mouth disease ay maaaring magdulot ng lahat ng sumusunod na sintomas o ilan lamang sa mga ito; pagkakaroon ng lagnat, sakit sa lalamunan, masama ang pakiramdam, masakit at parang paltos na mga sugat sa dila, gilagid at loob ng pisngi, pantal sa palad, talampakan at minsan sa puwitan. Ang pantal ay hindi makati, ngunit kung minsan ito ay may mga paltos. Depende sa kulay ng balat, ang pantal ay maaaring lumitaw na pula, puti, kulay abo, o makikita lamang bilang maliliit na bukol, pagkairita sa mga sanggol at maliliit na bata atwalang gana kumain.


Paalala ng mga eksperto ng lubhang nakakahawa ang HFMD, kaya makakabuti na manatili muna ang mga batang maysakit sa kanilang kuwarto o sa bahay, at paalalahanan ang mga ito na;


Huwag kakamutin o hawakan man lang ang mga paltos sa kanyang katawan.

Huwag isusubo ang kamay o di kaya ang kanyang laruan.

Huwag kusutin ang mga mata.

Takpan ang ilong at bibig ng tissue kung babahing o uubo.

Hugasan ang mga kamay gamit ang tubig at sabon.


Mga dapat gawin sa pangangalaga ng may HFMD;

Maghugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon pagkatapos hawakan ang mga paltos ng anak at palitan ang kanyang diaper o damit, pati na bago maghanda ng pagkain at bago kumain.

Maglinis at mag-disinfect ng banyo at mga laruan ng maysakit.

Ihiwalay ang mga gamit ng maysakit at sabihan ang ibang mga kasama sa bahay na huwag mag-share ng baso, kutsara, tinidor, tuwalya, at iba pang personal na gamit.

Iwasan munang yakapin at halikan ang maysakit.



Source: Noypi Ako
Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD), Kumakalat Ngayon Sa Bayan Ng Batangas Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD), Kumakalat Ngayon Sa Bayan Ng Batangas Reviewed by pinoyako on October 20, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close