BREAKING NEWS

4 -Anyos Na Bata, Sumailalim Sa Eye Surgery Matapos Mabulag Dahil Sa Sobrang Paggamit Ng Gadgets



Hindi inaasahan ng mag asawa na mula sa Thailand, na ang pagpapagamit nila ng cellphone o gadgets sa kanilang anak, upang hindi ito maglikot, ang magiging dahilan para masira at maapektuhan ang mata nito, na kalaunan ay kahit bata pa dadanas na ng operasyon para sa nasira at nanlalabo niyang mga mata.


Ayon sa magulang ng bata, sa murang edad na 2-anyos ay pinapagamit na nila ang kanilang anak ng cellphone, sa kadahilanang pareho silang abala sa kani kanilang mga trabaho. Hinayaan nilang magdamag na hawak ng bata ang cellphone habang nanunood ng ibat-ibang video at palabas upang hindi ito magkulit at madali alagaan.

Sa panahon ngayon, pareho ng abala ang mga magulang sa pagtatrabaho, upang masuportahan ang mga pangangailangan ng pamilya at ng kanilang mga anak, wala rin namang kakayanan na kumuha ng tagapag-alaga dahil sa walang pang bayad.

Isa sa mga solusyon ng mga magulang para tahimik at hindi magkulit ang bata ay ang bigyan ito ng cellphone o gadgets. Ang mga video at palabas na mapapanood sa cellphone gamit ang internet ay nagbibigay aliw sa mga bata kaya naiiwasan ang kanilang pag-iyak at pagkakalat.

Sa tulong din ng cellphone ay naaliw at tumatahimik sa isang tabi ang mga bata, kaya mas madaling makakilos at makapagtrabaho ang mga magulang ng hindi nag-aalala.


Ngunit ang sobrang paggamit ng mga gadgets at cellphone ay nakakasama na ito sa kalusugan. Nagdudulot ito ng pagkairita ng mga mata, pagkatuyo, pangangati, pamumula at kalaunan ay paglabo ng mga mata, at kapag hindi agad naagapan ay magreresulta ito sa malalang problema katulad na lang ng pagkabulag.

Napansin ng mga magulang ng bata na may hindi tama sa kalusugan nito at nang ipina konsulta nila sa doktor ang kalagayan ng bata ay doon nalaman na malabo na pala ang mga mata ng bata kaya naman sa edad na 2-anyos pa lamang ay kailangan na nitong magsuot ng salamin.

Hindi rin nagtagal ay lalong lumabo ang mata ng bata at nagresulta sa pagkawala na ng paningin nito.


 Ikinatakot din ng mga ito ang biglaang pagkabulag ng kanilang anak, kaya naman agad itong sumailalim sa operasyon o eye surgery. Sa edad na 4-anyos ay kailangan ng operahan ang mga mata nito upang maibalik ang kanyang paningin.

Sabi nga nila anumang sobra ay nakakasama, magsilbing aral ito sa mga magulang na nagpapa gamit ng gadget sa kanilang anak. Alalayan at limitahan ang screen time ng mga bata, at iparanas sa mga ito ang mga iba;t ibang physical activities.

Source: Noypi Ako
4 -Anyos Na Bata, Sumailalim Sa Eye Surgery Matapos Mabulag Dahil Sa Sobrang Paggamit Ng Gadgets 4 -Anyos Na Bata, Sumailalim Sa Eye Surgery Matapos Mabulag Dahil Sa Sobrang Paggamit Ng Gadgets Reviewed by pinoyako on October 20, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close