BREAKING NEWS

Pahirapang Maka-attend Online Class Dahil Walang Internet at Tools, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude



Lahat tayo ay labis na nahiråpan sa bagong sistema ng bansa simula ng pumasok sa atin ang C0VID 19. Taong 2020 nang maglockdown dahil sa pagkalat ng v1rus kaya naman tumigil ang hanapbuhay at pag-aaral ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng online class ay ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga mag-aaral.



Isa si Maria Clarizza Masangkay, 22, ng Cavite ang nahirapan sa online class. Noong una ay wala silang internet na kauna-unahang kailangan para maka-attend sa online class. "During that time, we were not a subscriber of any Internet provider, and I only had my phone as a tool for attending classes. Computer shops were unable to operate because of the sudden surge in C0VID 19 cases. There are times that I would cry in frustration as my phone shuts down due to overheating as a lot of apps were operating while the data was on during class discussions."




Kaya naman napagdesisyunan niyang humanap ng part-time job para makapagpakabit ng internet. Hindi rin kasi kakayanin ng kita ng kanyang mga magulang ang pagbayad ng internet. "Si Mama kasi, barangay worker po. PHP2,000 a month ang sahod. Si Papa naman, on-call na factory worker kaya di po sapat."


Ngunit lahat ng paghihirap ni Clarizza ay nagbunga. Nagtapos si Clarizza noong July 7, 2022 bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Cavite campus.

Source: Noypi Ako
Pahirapang Maka-attend Online Class Dahil Walang Internet at Tools, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude Pahirapang Maka-attend Online Class Dahil Walang Internet at Tools, Nagtapos Bilang Magna Cum Laude Reviewed by pinoyako on August 31, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close