Caloy Alde, Pumanaw na
Sumakabilang-buhay na ang beteranong komedyante na si Caloy Alde, madalas na binansagan bilang "Mr. Bean of the Philippines" at kilala sa kanyang screen name na "Ogag." Siya ay pumanaw sa edad na 60 taong gulang. Ayon sa kanyang asawa na si Rhoda Porral-Alde na isinugod si Caloy sa East Avenue Medical Center noong Hulyo 22 dahil sa "massive heart attack."
Sinubukan ng mga doktor na buhayin siya, "pero wala na po talagang any electrical pulse yung heart niya," ani ni Rhoda. Idinagdag niya na si Caloy ay na-diagnose na may congestive heart failure at chronic kidney disease dalawang taon na ang nakararaan at mula noon ay umiinom na siya ng mga maintenance medicines.
Kilala si Caloy sa pagiging lead role sa sitcom na "Ogag" na ipinalabas sa TV5 noong dekada '90. Ayon sa IMDB, huli siyang lumabas sa 2020 film na "Mang Kepweng: The Mystery of the Black Scarf" bilang si Haring Hap-Hap.
Nang humina ang kanyang karera sa pag-arte, si Caloy at ang kanyang asawang si Rhoda Porral-Alde ay nagpatakbo ng isang sari-sari store at barbecue stand.
Sa isang episode ng "Wish Ko Lang" noong 2015, tinupad ng nasabing programa ang kanyang kahilingan na makabalik sa eksena ng komedya pagkatapos ng isang taon na hindi siya limelight. Nakapag-arte siya sa mga episode ng "Juan Tamad" bilang Propesor Teroy Panindak.
Ang burol ni Caloy, na magsisimula bukas ng gabi, ay hindi bukas sa publiko. Ang kanyang libing ay pansamantalang naka-iskedyul para sa Linggo. Ayon kay Rhoda, ipagdiriwang sana ni Caloy ang kanyang kaarawan sa Huwebes, Hulyo 28.

Source: Noypi Ako
Caloy Alde, Pumanaw na
Reviewed by pinoyako
on
July 25, 2022
Rating:
No comments: