BREAKING NEWS

Binatang Pangarap Maging Pulis, Naglalako ng Leche Flan Para Makapag-Aral!



Masayang masaya si Juan Marco III matapos na maka-graduate sa senior high sa Quipayo National High School noong Hulyo 6, dahil sa araw-araw na paglalako ng panghimagas sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur. Bitbit ang ilang cooler, nag-iikot si Marco, 19, sa mga bahay, opisina at matataong lugar para ibenta ang leche flan na luto ng kanyang nanay.




Malaking tulong umano ang kinikita nila sa pagluluto at paglalako ng panghimagas dahil maliit din ang kita ng amang traffic enforcer sa lungsod ng Bacoor, Cavite. Pero dahil sa araw-araw na pagbuhat ng mabigat, hindi maiwasan ni Marco na sumakit ang bahagi ng puson niya dahil sa inguinal hernia na iniinda niya mula pagkabata.

"Kahit na mahirap, may problema at pagsubok ay wag mawawalan ng pag-asa, magtiwala sa Diyos dahil kapag naniniwala sa Diyos, lahat ay makakayang gawin," ani Marco na pangalawa sa tatlong magkakapatid.





Bukod sa makaipon ng perang pampa-opera, dapat aniya siyang magsipag para may pang-matrikula sa kursong nais kunin sa kolehiyo.

"Noon pa man gusto ko ng makapagsuot ng uniporme ng pulis na mismong apelyido ko ang nakalagay. Gusto kong maging isang malinis na pulis na matapat na nagsisilbi sa bansa," saad nito.

Kinuhanan ni Gelo Abugao ng retrato ang binata nang minsang makasabay sa isang opisina dahil sa pagkamangha sa kasipagan nito.

Aniya, tangkilikin sana ng publiko ang paninda ng binata bilang suporta sa kagustuhan nitong makapag-aral at gumaling.

"Kung inyo pong makita si Juan, baka naman po pwede niyo mabilhan mga kaibigan," hiling ng local radio personality.

"Tuloy lang, pasasaan ba at makakamit mo din ang iyong pangarap, Juan," dagdag pa nito.

Source: Noypi Ako
Binatang Pangarap Maging Pulis, Naglalako ng Leche Flan Para Makapag-Aral! Binatang Pangarap Maging Pulis, Naglalako ng Leche Flan Para Makapag-Aral! Reviewed by pinoyako on July 25, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close