Gwendolyne Fourniol, Kinoronahan Bilang Miss World Philippines 2022
Nasungkit ni Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental ang korona ng Miss World Philippines noong Hunyo 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Siya ang pumalit kay Tracy Maureen Perez na kumakatawan sa bansa at nalagay sa Top 13 ng 70th edition ng Miss World pageant. Susubukan ng 21-year-old na si Gwendolyne na masungkit ang inaasam-asam na "blue crown" sa 71st Miss World pageant, na ang mga detalye nito ay hindi pa inilalahad.
Sa parehong gabi ng koronasyon, may iba pang mga titulo ang ibinigay sa mga finalist. Si Alison Black ng Las Piñas City ang binigyan ng titulong Miss Supranational Philippines. Si Ingrid Santamaria ng Parañaque City ang magiging kinatawan ng bansa sa Reina Hispanoamericana pageant. Sina Ashley Montenegro ng Makati City at Beatriz McLelland ng Aklan ay inagaw ang titulong Miss Eco Philippines at Miss Eco Teen Philippines, ayon sa pagkakasunod.
Tinalo ni Gwendolyne ang 35 pang kandidata ng Miss World Philippines. Bukod sa pagkapanalo ng prestihiyosong titulo, nanalo rin siya ng best in evening gown––nakasuot siya ng royal blue gown na pinalamutian ng mga kristal.
Tinanong din si Gwendolyne tungkol sa kakulangan sa edukasyon na naipon noong panahon ng pandemya.
"As an advocate of education, I do agree that during the pand3mic, we have suffered the most, but the children who have the lack of access to education have suffered the greatest. Working hand in hand with ERDA Foundation to empower the marginalized Filipinos, I believe by uniting benefactors and encouraging our children, and allowing them to go back to school, especially during this pandemic, will make this world a better place because education is the greatest w3apon against poverty," tugon niya.
Samantala, ginawa ni Tracy ang kanyang huling lakad bilang Miss World Philippines na nakasuot ng sparkly blue na gown. Nagpasalamat siya sa lahat ng tumulong sa kanya sa kanyang journey bilang Miss World Philippines. Pinarangalan din ng beauty queen ang kanyang yumaong ina na naging inspirasyon niya para sa kanyang Beauty with a Purpose project.
Ang tanging pagkakataon na napanalunan ng Pilipinas ang titulong Miss World sa ngayon ay noong 2013, nang kinatawan ni Megan Young ang bansa para sa pageant. Ang Miss World ay nananatiling pinakamatagal na beauty pageant sa mundo.

Source: Noypi Ako
Gwendolyne Fourniol, Kinoronahan Bilang Miss World Philippines 2022
Reviewed by pinoyako
on
June 06, 2022
Rating:
No comments: