BREAKING NEWS

Grade 12 Student, Nakatanggap ng Scholarship Offers sa Pitong Unibersidad sa Amerika!



Tinatawag ni Aneko Delfin, 18-anyos, Grade 12 student sa Philippine Science High school (PSHS) sa Quezon City, ang kanyang sarili na isang "mediocre" o "average" student kahit na nakapasa siya sa University of the Philippines, De La Salle University, at Ateneo de Manila University at nakatanggap ng scholarship offers sa pitong universities U.S.



Natanggap siya sa University of Pittsburg (Pennsylvania), Oregon State University, (Oregon), University of Michigan-Flint (Michigan), Temple University (Pennsylvania), Bentley University (Massachusetts), Drexel University (Pennsylvania), at Hofstra University (New York).

Halos umabot ng P17-M ang kabuuang halaga ng scholarship offers ni Aneko. Bentley University - $120,000 + $40K for a total of PHP$160,000 (PHP8,160,000), Oregon State university - $24K (PHP1,224,000), University of Michigan-Flint $4,000 (PHP204,000), Temple University - $8,000 (PHP408,000), Drexel university -$21, 200 (PHP1,081,200), Hofstra University – $108,000 (PHP5,508,000) at University of Pittsburg.



Pinag-iisipan pa ni Aneko kung tatanggapin niya ang offer sa ibang bansa o ang offer dito sa Pinas. Hindi umano kasi biro ang mag-aral sa ibang bansa kahit na may scholarship.

Si Aneko ay panganay sa dalawang magkapatid. Isang school administrator ang kanyang nanay at I.T. specialist ang kanyang ama. Gaya ng ama, ang interes ni Aneko ay computer science. Ano ang kanyang ultimate career path?

"Yung goal ko po talaga is to be a computer scientist in the field of bio-informatics. So that's like combination po essentially of biology and chemistry with computer and data science. That's the stereotype we commonly get po talaga," pagsang-ayon niya.



"I guess it's true that we’re nerds in the sense that we are really passionate about the sciences and things like that."

Bagamat hindi raw siya ang tipong sumasali sa academic competitions, sinabi ni Aneko na, "I'm passionate about things I study, more specifically, computer science and technology."

Pero ang tingin niya sa sarili niya ay “average” student lamang. "If I'm being honest, I honestly think that I’m just a mediocre, actually average student in my school. I think in terms of grades, extra-curriculars, I’m not exactly that one that shines."



Kaya naman testimonya raw siya na kahit hindi siya ang maituturing na top student, "you really still have a shot at applying to international schools."

Sa kanyang campus, hindi na raw bago na maraming estudyante ang nag-a-apply ng college admissions abroad. "A lot actually of my batchmates also applied to schools abroad. They also got scholarships offers, admission offers. Thats why I mention I see myself as a mediocre, average student from my school," sabi ni Aneko.

Source: Noypi Ako
Grade 12 Student, Nakatanggap ng Scholarship Offers sa Pitong Unibersidad sa Amerika! Grade 12 Student, Nakatanggap ng Scholarship Offers sa Pitong Unibersidad sa Amerika! Reviewed by pinoyako on June 07, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close