BREAKING NEWS

Pinoy sa New York, Kumikita ng P800-K Kada Buwan sa Pagtitinda ng Isaw



Patok na patok sa Pinas ang isaw, batamax, barbeque at iba pa. Isa ito sa mga meryenda na hinahanap-hanap nating mga Pinoy. Ito ay inululuto sa uling at madalas na isinasawsaw sa suka. Kaya naman, madalas itong namimiss ng mga kababayan natin sa iba't ibang bansa. Binabalik-balikan din it ng mga ibang lahi o foreigners.



Kakaiba naman ang ginawa ng ating kababayan sa New York. Nagtayo kasi siya ng isawan sa 60-11 39th Ave. at sa isang café sa Queens na Bee Garden. Siya ay kinilalang si Robin John Calalo a.k.a. Isaw Boy. Ayon kay Robin, nagsimula umano siyang mamuhunan ng 50 dollars o may katumbas na P2,500 hanggang sa ito ay lumago at naging business na niya.

Mga kaanak at mga kaibigan ang naging unang customers ni Robin at nagustuhan nila ito. Ibinebenta ni Robin ang isaw sa halagang $3.50 kada piraso.





Ngayon ay kumukita na siya ng P200,00 kada linggo o P800,000 kada buwan. Hindi lamang ang mga Pinoy ang bumibili sa kanya dahil maging sa ibang lahi ay patok na patok ang lasa ng kanyang tinitinda.




Bukod pa rito, nag-oonline selling din siya ng mga paninda niya na kung saan ay ang customers niya mismo ang mag-iihaw ng mga adidas, betamax, isaw, hotdog, manok, tenga ng baboy, at iba pa.

Source: Noypi Ako
Pinoy sa New York, Kumikita ng P800-K Kada Buwan sa Pagtitinda ng Isaw Pinoy sa New York, Kumikita ng P800-K Kada Buwan sa Pagtitinda ng Isaw Reviewed by pinoyako on June 07, 2022 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close