BREAKING NEWS

Vendor na Nakatanggap ng Malaking Halaga Matapos na Magbahagi ng Noodles, Muling Magbibigay!



Maraming biyaya ang natanggap ni Mang Alberto na isang vendor matapos na mag-donate ng noodles sa isang community pantry kahit na nangangailangan din siya. Libu-libo ang ibinigay sa kanya ng mga netizen dahil natuwa ito sa ginawa niyang kabutihan kaya naman, mas marami ang inihanda niyang tulong para sa naturang community pantry.


Ayon sa upadate na inulat ng ABS-CBN, inihanda na umano ni Mang Alberto ang bigas, noodles at itlog na ibabahagi niya sa Maginhawa Community Pantry na naunang nag-umpisa at nag-organisa ng community pantry sa Quezon City. Ang inihandog na tulong ni Mang Alberto ay para mas marami pa umano siyang matulungan na mas nangangailangan.

Dahil dito ay mas lalong hinangaan si Mang Alberto ng marami.


"God will bless you more kuya. Instead of keeping the money you manage to share it with people with less. An act of KINDNESS bears kindness too."

"We need more of your kind to help build, rebuild our nation, so selfless. My prayers for you, kuya. God bless you even more."

"This is true karma! Do good for others, it will come back to you in a hundred folds. God bless u more, kuya."

Kamakailan lamang ay maaalala nang mapadaan si Mang Alberto sa naturang community pantry. Iniabot niya ang tatlong pack ng noodles sa isang reporter ng ABS-CBN na naghahanda para sa kanyang ibabalita sana noon. Ibinahagi naman ni Jervis Manahan, reporter ng naturang network, ang kabutihang ginawa ng vendor.


Marami ang naatig sa ginawa ni Mang Alberto kaya naman bumuhos ang donasyon na ibinigay sa kanya at umabot ito ng nagkakahalagang P70,000 sa loob ng isang araw lang.

Kinilala ang vendor na si Alberto Calanza, 52-anyos na mula sa Barangay Botocan, Quezon City. Dati umano siyang may kantina sa Technohub ngunit nahinto ito simula nang mag-Enhanced Community Quarantine (ECQ). Kaya naman, naglalako siya ngayon ng chicharon at balut upang matustusan ang pang araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya lalo na at may apat siyang anak.

Source: Noypi Ako
Vendor na Nakatanggap ng Malaking Halaga Matapos na Magbahagi ng Noodles, Muling Magbibigay! Vendor na Nakatanggap ng Malaking Halaga Matapos na Magbahagi ng Noodles, Muling Magbibigay! Reviewed by pinoyako on April 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close