BREAKING NEWS

Estudyante, Bitbit ang Dalawang Anak sa Klase at Ngayon ay Nakapagtapos na ng Kolehiyo!




Walang imposible! Ito ang pinatunayan ng isang ina na kung tawagin ng kanyang mga kaklase ay "Mommy Joyce". Ibinahagi ng estudyanteng ina ang kuwento ng kanyang pagpupursugi para makamit ang kanyang pangarap na makatapos sa kolehiyo. Sabay na ginampanan ni Joyce ang tungkulin bilang isang ina sa kanyang dalawang anak at ang kanyang pag-aaral.




Ang istorya ni Joyce ay nagbigay ng inspirasyon sa marami lalo na sa inang katulad niya na hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak upang makamit ang pangarap.

Habang may dala-dalang ang malaking bag na may lamang diaper, tubig at snacks para sa mga anak ay bitbit ni Joyce ang kanyang dalawang anak patungo sa paaralan para isama habang siya ay nag-aaral.

Kung minsan, dalawang anak niya ang isinasama niya sa eskwelahan kapag walang mapag-iiwanan at kung minsan naman ay isang anak lang ang kanyang isinasama. Paminsan ay napapakiusapan niya ang kanyang kaibigan o ang kanyang kamag-anak para mag-alaga sa kanyang mga anak habang siya ay nag-aaral ngunit kung wala siyang mapag-iiwanan ay isinasama na niya ang mga anak.




Nauunawaan naman siya ng kanyang mga Proffesors at ng kanyang mga kaklase dahil mababait ang mga ito. Ang kanyang asawa ay nag-tatrabaho kaya pagkatapos nitong magtrabaho ay dideretso na siya sa eskwelahan ni Joyce upang sunduin ang kanilang mga anak. Ngunit, hindi maiiwasan kung minsan na patapos na ang klase ni Joyce bago makapagsundo ang kanyang asawa.

"Napakarami naming experiences na nakakatuwa, nakakatawa, nakaka-stress at nakaka-bless." Pagbabahagi ng estudyanteng ina.

Ibinahagi rin niya ang tagpo na nangyari noon nang kailangan niyang magpunta sa eskwelahan para mag-report sa klase kahit na pitong buwang gulang pa lamang ang anak niya kaya iniwan niya muna ito sa kanyang brother-in-law.

"Habang nasa last few slides na ako ng aking report ay dinig na sa buong building ang napakalakas na iyak ni baby. Gut0m na gut0m na siya."




Umabot ng limang tao sa pag-aaral si joyce bago tuluyang makatapos sa kanyang Master's degree. Tatlong taong-gulang naman ang kanyang panganay nang magsimula siya mag-aral.

Buntis pa lang din ito noon sa pangalawang anak habang pinagsasabay sabay ang trabaho, pag-aaral at pag-aalaga ng bata. Hatid-sundo ng bata sa eskwela sa umaga, sa gabi naman ay pag-aaral naman ang inatupag nito.




Nakakagulat pang inilahad ni Joyce ang nangyari sa kaniya noong siya'y nasa kalagitnaan ng pag-aaral.

"Huling semester ko na sa UP kaya kahit na nagkaroon ako ng c0vid sa kalagitnaan ng sem. Tuloy pa rin ako sa pag-attend ng online class"

Gayunpaman, tuloy sa pagtupad ng pangarap si Mommy Joyce at patuloy na naniniwalang napakahaba at masukal man ang paglalakbay, sa huli ay sulit naman ang maaasam na tagumpay.

Matapos ang dalawang araw na inilaan para sa huling pagsusulit ay sa wakas at nakuha na rin nito ang inaasam na Master's degree at nakapagtapos via "virtual graduation"

Source: Noypi Ako
Estudyante, Bitbit ang Dalawang Anak sa Klase at Ngayon ay Nakapagtapos na ng Kolehiyo! Estudyante, Bitbit ang Dalawang Anak sa Klase at Ngayon ay Nakapagtapos na ng Kolehiyo! Reviewed by pinoyako on September 29, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close