BREAKING NEWS

Guro, May Emosyonal na Mensahe sa Kanyang Estudyante na Binawian ng Buhay Mismo sa Araw ng Graduation Nito!




Ano at sino ba ang guro para sa atin? Sila ang tumatayong pangalawang ina/ama sa atin dahil ilang taon ang iginugugol natin sa pag-aaral. Sila ang dahilan kung bakit at kung paano tayo natututo sa edukasyon. Ngunit bukod sa edukasyon, kadalasan ay nagtuturo din sila kung paano maging mabuting tao.

Kung minsan ay sila rin ang nagiging nurse natin sa tuwing tayo ay nasusugåtan lalo na kapag nasa loob tayo ng paaralan. Kaya naman, ayaw nila na mayroong mangyaring hindi maganda sa kanilang mga estudyante.




Gaano kahalaga ang estudyante para sa mga guro? Kung ang mga guro ay tinuturin nating ikalawang magulang, ang mga guso naman ay itinuturin nila tayong parang mga anak. Madalas nagagalit din ang mga guro lalo na kung hindi maganda ang ginagawa ng kanilang estudyante. Tulad din ng mga ina, nais ng mga guro ang makakabuti para sa kanilang mga estudyante.

Ngunit isang balita naman ang lubhang nagpaluha sa isang guro na kinilalang si Teacher Josephine Lanceta Ulitin. Naging emosyonal si Teacher Josephine nang mabalitaan na ang kanyang paboritong estudyante ay binawian na buhat at mismo pa sa araw ng graduation nito.

Kinilala ang estudyanteng si Lloyd Jerome Conde. Ayon sa post ni Teacher Josephine, mayroon umano itong malubhang karamdaman. Ngunit, hindi naging hadlang kay Lloyd ang iniinda nitong karamdaman dahil nais umano nitong makapagtapos ng pag-aaral.




Narito ang naturang post ni Ma'am Josephine:

"Ito na yata ung GREATEST HE4RTBREAK ko in my 5 years as a teacher" (crying emoticon)

"Wala akong favorite student, kasi gusto ko fair sa lahat, maliban sayo anak Loyd Jerome Conde ... sayo lng ako nagkaroon ng favorite, at alam ng lahat ng mga kaklase mo un.. Sobrang special ka samin... tanggap nilang iba ko pagdating sayo... Sa loob ng 1 taon sa face to face class last year, wlang ni isang nkapamb*lly o nakasakit sau kasi alam nilang lahat na magwawala tlga ko sa room pag ikaw ang kinanti nila, pero kahit hindi ako magalit, nakita ko anak na minahal at tinanggap ka ng lahat ng kakaklase mo..."




"May mëdical condition ka pero gustong gusto mo mkapagtapos... Tandang tanda ko nun, ililipat ka sana ng ADM pra sa bahay ka n lang mg aaral pero ayaw mo kc sabi mo masaya ka sa room, tapos ililipat ka sana ng section kc 4th floor ung room natin, naaawa aq sa pag akyat baba mo pero sabi mo"

"ayaw mo kc gusto mo ako teacher mo"

"Gusto mo lagi pumapasok kahit may sakit ka... Mahina ung katawan mo kya sabi q hindi ka na kasali sa cleaner, pero pag uwian nakikita kitang nauuna pang maglinis..."




"Kanina, habang nanunuod ng virtual moving up, ang dami sa kaklase mo na honor ngaun pero iba ung saya ko nung nakita ko ung pangalan mo.. ikaw nga lang ung binati ko ng special sa GC natin kc anak tandang tanda ko ung sinabi mo sakin na gusto mong makagraduate, kya ang sakit sakit anak na sa mismong araw ng graduation mo ay iniwan mo na kami..."

"Rest in God's Paradise nak, dun wla ng païn, Sana sa huling taon mo ng face to face class last year ay nparamdam namin sayo na mahal at tanggap ka namin kahit anu ka pa... Sobrang Proud ako sayo anak.. Mahal na mahal ka namin ng buong Bonifacio Family mo...."

Source: Noypi Ako
Guro, May Emosyonal na Mensahe sa Kanyang Estudyante na Binawian ng Buhay Mismo sa Araw ng Graduation Nito! Guro, May Emosyonal na Mensahe sa Kanyang Estudyante na Binawian ng Buhay Mismo sa Araw ng Graduation Nito! Reviewed by pinoyako on July 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close