Isang Binata, Nagco-Constraction Worker Habang Nag-aaral, Nakatapos sa Pag-aaral Bilang Valedictorian!
Kung minsan, sa tuwing pinipilit nating abutin ang ating mga pangarap ay marami ang tumataas ang kilay at iniisip na hindi natin kayang abutin ang pangarap at tila imposible itong makamit. Maraming negatibong salita ang maririnig natin sa kanila ngunit hindi ito ang dahilan upang sumuko at tumigil sa pag-abot ng pangarap.
Isang binata naman ang hindi nagbigay ng pansin sa mga negatibong sinasabi ng iba bagkus, siya ay nagpursige sa pag-aaral. Siya ay si Michael Español na sa murang edad ay namulat na sa hiråp ng buhay.
Nakatira si Michael sa Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan. Ang kanyang ama naman ay isang mensahero na sumasahod ng P10,000 kada buwan habang ang kanyang ina ay mananahi ngunit walang regular na sahod.
Panganay umano si Michael kaya minabuti niyang magtrabaho bilang construction worker kung saan kumikita siya ng P250 kada araw sa tuwing wala siyang pasok sa eskwelahan. Iniipon naman niya ang kinikita upang mayroon siyang pangbili ng ng uniporme at mga kagamitan sa eskwelahan, nagbibigay rin siya sa kanyang mga magulang bilang tulonng sa mga gastusin ng pamilya.
"Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, 'wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin," pahayag ni Michael.
At dahil sa kanyang sipag, diskarte at determinasyon sa buhay ay sa wakas, nakapagtapos siya sa high school bilang isang Valedictorian sa kanilang eskwelahan sa Gueguesangen Integrated School.
Naging inspirasyon siya sa mga tao na kahit ano pa man ang sabihin ng iba ay hindi na ito dapat pang pagtuunan ng pansin bagkus ay magpatuloy lang sa buhay at maging madiskarte dahil sa huli ay makukuha mo rin ang inaasam-asam na pangarap.

Source: Noypi Ako
Isang Binata, Nagco-Constraction Worker Habang Nag-aaral, Nakatapos sa Pag-aaral Bilang Valedictorian!
Reviewed by pinoyako
on
May 11, 2021
Rating:
No comments: