2-Anyos na Bata, Binawian ng Buhay Matapos na Makalunok ng Isang Buong Jelly Candy!
Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang apat na taong gulang na batang nakalunok ng isang buong chewy candy. Ngayon naman ay isang 2-anyos na bata ang nakalunok rin ng isang buong jelly candy na dahilan din ng kanyang pagkawala. Siya ay si Baby Ash na nasa pangangalaga noon ng kanyang lola nang mangyari ang insidente.
Ayon sa ulat ng Cavite TV, binawian ng buhay ang 2-anyos na bata sa Davao Oriental matapos na makalunok ito ng isang buong jeely candy. Kuwento ng ina ni Baby Ash na si Kristine Cercado, nasa trabaho umano siya ng mga oras na iyon. Mula bayan ng Baganga ay dalawang oras ang layo hanggang sa Mali.
Iniwan ni Kristine ang anak sa pangangalaga ng Lola Ni Baby Ash. "Tumawag ang nanay ko sa akin na umiiyak. Sinabihan niya ako na nabulunan ng candy ang bata," ani niya.
Kinausap pa umano ni Kristine ang anak habang sila ay nasa Emergency Room kung saan natanggal na rin ang nakabarang jelly candy noon ngunit bago pa mailipat sa ward ay binawian na rin ito ng buhay. Sinubukan pa umano isalba ng doktor ang buhay ni Baby Ash ngunit hindi na nito nakayanan pa.
Isa itong mahalagang paalala lalo na sa mga matatanda na may inaalagaan na maliliit pa na hindi dapat basta-basta sila bigyan ng makakain. Kung maaari ay bantayan sila dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari.
Lubos ang pakikiraman namin sa mga naulilang pamilya ni Baby Ash. Sana ay hindi na maulit pa ang ganitong klase ng insidente. Mahirap para sa magulang ang mawalan ng anak kaya mag-doble ingat ang lahat sa pag-aalaga sa mga bata.

Source: Noypi Ako
2-Anyos na Bata, Binawian ng Buhay Matapos na Makalunok ng Isang Buong Jelly Candy!
Reviewed by pinoyako
on
May 06, 2021
Rating:
No comments: