BREAKING NEWS

Fishball Vendor na Ama, Napagtapos ang Apat na Anak sa Kolehiyo



Isang Ama na fishball vendor ang nakapagpatapos ng apat na anak sa kolehiyo dahil sa kanyang sipag sa pagtatrabaho.

Hindi kailanman naging hadlang ang kahirapan sa buhay upang sumuko na lamang at hindi umano matupad ang mga pangarap. Ito ang tila naging motto ng isang tatay na isang fishball vendor.


Viral sa social media ang pagpupursige ng isang tatay na magtinda sa kalye ng fishball, kikiam, kwek-kwek at palamig upang mairaos ang pagaaral ng kanyang mga anak.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang proud na anak na si Girlie Verzosa ang pagiging masipag ng kanyang mga magulang para makapagtapos silang apat na magkakapatid sa kolehiyo.

Ayon kay Girlie, elementary pa lang silang magkakapatid ay nagtitinda na ng street foods ang kanyang mga magulang upang kumita ng pera at matustusan ang pang araw-araw na kanilang gastusin.

Kwento ni Girlie, madalas silang ipahiya ng kanilang mga kaklase dahil sa pagtitinda ng fishball ng kanilang mga magulang, ngunit natutunan nila itong balewalain dahil sa mga naging payo sa kanila ng kanilang mga magulang.

"Anak , kung anong meron ka wag mo ikahiya ...wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao ...maging natural ka lang " payo ng ama ni Girlie


Sa kanyang post, lubos ang pasasalamat ni Girlie sa kanyang mga magulang na madaming tiniis na gutom at panghihiya para lamang ipataguyod ng mga ito ang ka nilang pagaaral.

"Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko ... Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis ... Maraming panghihiya ang pinaraya ...maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na ... puyat at pagod na ...pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral ... Maraming maraming salamat po"

Basahin sa ibaba ang buong post ni Girlie:

"Sinong nagsabi na Mag-fifishball LANG "

Hindi ko malilimutan yung mga taong nagsabi samin na "anak lang yan ng magfifishball "

"wag nating kaibiganin kasi di sya level satin" ....haaay .... Buti na lang tinuruan ako ng papa ko na maging natural lang

"Anak , kung anong meron ka wag mo ikahiya ...wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao ...maging natural ka lang "


Nung Elemntary ako madalas akong asarin ng "Fishball , Kikiam, at palamig " medyo naiinis ako kasi may birthmark ako sa mukha na bilog at inaasar nila yun na sunog na fishball raw ...pero kahit ganun wala akong pakialam ...masaya akong alalahanin yung mga oras na nagtitinda si mama sa harap ng school at inaabot nya sa gate lahat pwede kong kainin na paninda nya ...kwek-kwek , unli fishball at kikiam ..tapos bibilhan pa nya ko ng "Pop" sa katabi nyang tindera ... Kahit anong sabihin nila proud ako sa mama at papa ko kasi marangal sila kung magtrabaho . Pero nung Graduation na Tameme yung mga nambully sakin kasi nakaupo sila lahat sa likod ko

"Itong anak ng magfifshball na to ang class Salutatorian nyo ngayon "

Hindi ko malilimutan nung higschool nung minsan ayain ko mga bago kong classmate na magpractice ng MAPEH sa bahay kasi may speaker dun at kami lang pinakamalapit sa school ...sabi nung isang classmate ko "para namng basurahan yung bahay nila " *

( Me: Ouch.) at syempre nakita nila yung kariton ni papa sa bahay na pantinda ...dun na nagsimulang Ma-OP sa lifestyle nila ...buti na lang may binigay si Lord na iilang kaibigan na ... Na kahit sino ka pa tanggap na tanggap ka...minsan pa nga nung Highschool uso kasi nun yung sulatan sa papel sinabihan ba namn akong magnanakaw ...haiisssst hirap din eh .. Kapag mahirap ka sa klase ikaw lagi ang suspect kapag may nawawalang pera o gamit ... Anyway ..sumulat na lang ako pabalik

"Mahirap man ako ..magutom man ako ...hinding hindi ako kakain ng nakaw " ...bhala na sila ...ang importante .. May prinsipyo ka at alam mo ang totoo sa sarili mo .

Nung college namn ay Grabe lupet ng gastos ...sabay na maraming ng kalaban si papa sa pagtititnda ng fishball ...ilang camporal at Jamboree ang pinagpuyatan nya ...lahat ng okasyon sa baryo ...present sya ( Miss Gay, Battle of the Bands, Victory ball, Graduation, Senior Citizen Night, Foundation day ... Sabungan ... O kahit minsan pati libing hindi palalampasin ...makapagtinda lang ) ...sobrang sarap alalahanin kasi nga kapag bakasyon ko sumasama pa ako kay papa magtinda ... Bet na bet namin manuod ng mga orchestra sa mga pyestahan ... tapos uuwi kami mga 2am na ng umaga ...at dadaan sa 7/11 para kumain ng siopao ... Mga bonding na masarap maalala pagkatapos magtinda ...*

At nung June 30 nga graduation day ni Bunso ...hehehe at ako yun, dun lang nagsink-in lahat ng pinagdaanan namin .. Pero syempre di ikukuwento ... Mahaba tlga eh ...

Grabe pala "SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG" kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun ...masasabi ko lang tlga ...na walang trabaho na Marangal ang dapat ikahiya ... Kung nanliliit ang mundo sa estadong meron ka ...mas lalo mong ipagmalaki ...dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay ...sila pa yung ayaw magsipagtapos sa pag-aaral ... Pero ikaw ...kahit na anong pangmamaliit pa sakin ...may diploma na ko ...sisigawan ko na lang sila

"HOY..Ng dahil sa Fishball natapos Akong mag-aral ... At yun ay hindi nilalagyan ng LANG "

Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko ... Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis ... Maraming panghihiya ang pinaraya ...maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na ... puyat at pagod na ...pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral ... Maraming maraming salamat po

Mahal na mahal po namin kau nila ate..

Source: Noypi Ako
Fishball Vendor na Ama, Napagtapos ang Apat na Anak sa Kolehiyo Fishball Vendor na Ama, Napagtapos ang Apat na Anak sa Kolehiyo Reviewed by pinoyako on January 15, 2021 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close