BREAKING NEWS

Matandang Nagsauli ng Napulot na Pitaka, Tumanggi sa Tulong kahit nasa Ospital ang kanyang Asawa!


Walang halaga ng pera ang makatutumbas sa isang taong may mabuti at busilak na kalooban. Kahit na anong hirap man ang ating kalagayan dapat ay panatilihin nating ang pagiging matapat sa kapwa.

Katulad na lamang sa kwento ng isang netizen na si Clara Dorene Magbanua mula sa Puerto Princesa, Palawan patungkol sa isang matandang lalaking nagbalik ng nawala niyang wallet.

kasama ni Clara ang kanyang pamilya nang dumalaw sila sa kanyang bayaw. Habang nasa bahay sila, may tumatawag sa kanyang cellphone. Hindi raw niya kilala ang numero kaya hindi muna niya ito sinagot. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay sinagot na niya ito. Doon lamang niya nalaman na nawawala pala ang kanyang wallet.


“Nagtatalon na ako,” sabi ni Clara.

Si tatay Rome Pala ang mabait na nakapulot sa wallet ni Clara. Dahil nasa iisang lugar lang sila ay agad pinuntahan ni Clara si tatay Rome at madaling naibalik sa kanya ang wallet.

Kwento ni Clara, bukod sa pera ay nasa loob din ng kanyang wallet ang pin codes ng kanyang mga ATM.


Bilang pasasalamat kay tatay Rome ay tinangka ni Clara na bigyan siya ng pera ngunit tumanggi ito.

“Neng, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Ok lang sa akin kahit wala kang ibigay,” sabi umano ni tatay Rome.

Wala raw ginalaw si tatay sa wallet ni Clara maliban sa ID na ginamit upang matawagan siya.

Mas lalong namangha si Clara ng malaman niyang nasa ospital pala ang asawa ni tatay Rome ngunit hindi parin nito tinanggap ang perang inaabot ni Clara.
 

Sa panayam ng Kicker Daily News kay tatay Rome, sinabi nitong maraming beses na rin siyang nakapulot ng wallet ngunit hindi niya ito pinag-iinteresan. Mayroon raw siyang paninindigan sa buhay at iyon ay ang makagawa ng mabuti sa kapwa sa ikalulugod ng Panginoon. Aniya, nang makita niya ang wallet ay alam niyang sinusubukan lang siya.


“Hindi na ako nagdalawang-isip dahil marami rin akong mga problema na pinagdaanan at nakaraos ako. Eto pa kaya hindi ako makakaraos?”

Pagbalik ni tatay Rome sa ospital ay tila may milagrong nangyari sa kanyang asawa. Nakakabangon na raw ito. 


Iyon na marahil ang kapalit ng kabutihang ipinalamas niya.

Sana’y maging gabay natin ang kuwentong ito na gawin ang tama dahil sa huli ang nananatiling tapat sa Diyos ay pinagpapala.

Narito naman ang post ni Clara:

"Shout out po kay Tatay Rome Punla na taga Abad Santos Puerto Princesa Palawan na nakapulot nang wallet ko. Sobrang thank you po sa nagawa nyo. Lahat ng cards ko nasa wallet ko .Nasa loob lang din ang PIN code ng isang card ko. May pera din po but I still recieve the exact amount. You called me gamit ang number na nakita mo sa ID ko. You even refuse the money na gusto kung ibigay bilang pasasalamat man lang sana sa pagbalik sa wallet ko. TAY sana lahat nang tao tulad nyo. Thank you so much. You are a true hero! May God bless you always. 

Pashare guys. Sya ang halimbawa nang taong karapatdapat na sumikat”


Source: Noypi Ako
Matandang Nagsauli ng Napulot na Pitaka, Tumanggi sa Tulong kahit nasa Ospital ang kanyang Asawa! Matandang Nagsauli ng Napulot na Pitaka, Tumanggi sa Tulong kahit nasa Ospital ang kanyang Asawa! Reviewed by pinoyako on November 25, 2020 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close