Lalaking Nagtitinda ng Kamote, Tinitiis ang Lamig Matapos Mabasa ng Ulan Maka-Benta Lang
Isang lalaking nagtitinda ng kamote sa bangketa ang nangnginig na dahil sa lamig matapos nitong maulanan.
Magkakaiba tayo ng katayuan sa buhay, mayroong mayaman at mayroon namang isang kahig isang tuka. Maayos ang mundo kung ‘yung mga may kaya ay tumutulong para maibsan ang pasanin ng mga dukha. Nakakaawa na ang kalagayan ng mahihirap lalo na ngayong may pandemya, gaya ng isang maglalako ng kamote.
Ibinahagi ni Cindz Mallari-Rodriguez kamakailan ang larawan ng isang mama na nakaupo sa gilid at basang-basa dulot ng malakas na buhos ng ulan. Sa harapan niya ay ang mga panindang kamote o sweet potatoes.
Sa iba pang larawan ay makikita naman ang isang bumibili sa mama, kung saan maaaninag na mukhang nanginginig ang tindero sa lamig ng tubig sa kanyang basang damit.
Kaya’t, ani Cindz, sana’y ‘yung mga makakadaan naman sa mama ay bumili. “Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa.”
Nasabi pa nito na hindi sapat na pinakiusapan niya ang kanyang papa na bumili at huwag nang kunin ang sukli. Ito ang dahilan kung bakit niya ibinahagi ang kuwento sa social media.
Habang ipino-post ito ay nakalikom na ng higit 3,300 reaksyon, nasa 1,800 komento at tinatayang 5,900 pagbabahagi ang update. Marami ang nag-tag sa programang Raffy Tulfo in Action.
Komento ng isa, “Tulungan natin kapuwa nating Pilipino o kahit anong lahi na hikahos ang pamumuhay dahil balang araw Diyos ang magbabalik ng mga naitulong natin sa kapuwa.”
Saad naman ng isa pa, “Kung malapit lang sana, nakakadurog ng puso sa tuwing nakakakita ako ng post na ganito.”
Nakakaawa na talaga ang kalagayan ng mga kababayan nating mahihirap lalo na ngayong may pandemya. Magtulungan po tayo, ‘yung mga maykaya baka pupuwedeng magbahagi naman ng tulong.
Source: Noypi Ako
Lalaking Nagtitinda ng Kamote, Tinitiis ang Lamig Matapos Mabasa ng Ulan Maka-Benta Lang
Reviewed by pinoyako
on
October 31, 2020
Rating:
No comments: