PANOORIN! | 3 Guro, Umaakyat sa Mataas na Puno upang Makasagap ng Internet Signal
Kinailangan pang umakyat ng mga guro sa isang mataas na puno para lang makahanap ng internet signal para sa kanilang report.
Umaakyat sa mataas na puno ang tatlong guro sa Lacub, Abra at nagtuturo sila sa Talipugo Elementary School mula kindergarten hanggang grade six.
Ayon sa isa sa mga Guro, nakiusap umano sila sa opisyal ng barangay na gawan sila ng hagdan para maging ligtas umano ang kanilang pag-akyat sa puno para makasagap ng Internet Signal.
Ang nasabing barangay ay isang liblib na lugar sa lacub, Abra kaya hirap talaga umanong makasagap ng signal.
Matapos gawin ng mga guro ang mga learning module ay gagamitin ito sa darating pasukan sa Magsalang Elementary School sa Tineg, Abra.
Nagsakripisyo ang tatlong guro na ito mahatid lang ang mga modules matapos nilang maglakbay ng apat na oras sa pagtawid sa ilog at pag-akyat sa bundok.
Nagpapasalamat ang mga guro dahil pinahiram umano sila ng kabayo para makatulong sa pagdala ng mga learning modules.
Masaya parin ang mga guro kahit mahirap dahil nagagampanan naman nila ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga estudyante.
Source: Noypi Ako
PANOORIN! | 3 Guro, Umaakyat sa Mataas na Puno upang Makasagap ng Internet Signal
Reviewed by pinoyako
on
September 29, 2020
Rating:
No comments: