Makakatanggap ng P30,000 Education Assistance ang mga Anak ng OFW na Magkokolehiyo
Makakatanggap ng educational assistance na nagkakahalaga ng P30,000 ang mga magkokolehiyong anak ng mga OFW na nasawi, pinauwi at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Nakapaloob umano ang one-time financial assistance na ito sa Tabang OFW Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED).
Naglaan ang Pamahalaan ng P1 Bilyon na pondo para sa humigit kumulang 30,000 OFW na benepisyaryo ng programa.
Ayon sa DOLE at CHED, target nila simulan ang pamamahagi ng educational assistance simula sa Oktubre kapag naisaayos na ang listahan ng mga kalipikadong anak ng mga OFW.
“Initially po kasi, out of the 500 profiles for instance na ibinibigay po sa amin ng mga returness, nung sinala po namin, may mga dalawang daan lamang po ‘yung qualified,”- saad ni Tutay.
Ayon umano kay DOLE undersecretary Dominique Tutay, magkakaroon din ng pagpupulong para suriin ang magiging listahan kung tutugma ito sa listahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
“So we want more profiles to be submitted by OWWA to the Department of Labor and Employment,”-dagdag pa nito.
Para makatanggap ng educational assistance, magpakita ng patunay na naka-enroll o mag-e-enroll ang anak ng OFW sa CHED-accredited o recognized colleges o university.
Source: Noypi Ako
Makakatanggap ng P30,000 Education Assistance ang mga Anak ng OFW na Magkokolehiyo
Reviewed by pinoyako
on
September 30, 2020
Rating:
No comments: