BREAKING NEWS

LTO hindi muna magmumulta ng traffic violations, driver’s license renewal

LTO hindi muna magmumulta ng traffic violations, driver's license renewal
INQUIRER file photo

WALA munang multa ang traffic violations at pansamantalang walang babayaran kapag nag-renew ng driver's license.

Ito ang inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na iniulat ng INQUIRER bilang konsiderasyon sa mga motorista, lalo na't marami sa kanila ang naapektuhan ng bagyong Tino at Uwan.

Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ng state of national calamity dahil sa mga bagyong ito.

Batay sa updated memorandum noong November 13, sinabi ni LTO chief Markus Lacanilao na hindi ipapataw ang multa sa mga traffic violation hanggang November 28.

Baka Bet Mo: ALAMIN: Top 20 Traffic Violations ng MMDA at katumbas na multa

Gayundin ang gagawin sa rehistrasyon ng lahat ng sasakyan sa buong bansa na may plate number na nagtatapos sa 'O'.

Dagdag pa ni Lacanilao, ang pag-waive ng penalties para sa driver's license renewal at adjudication transactions na may petsang November 11, 2025 ay ipatutupad rin sa buong bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot sa 232 ang bilang ng nasawi dahil sa Tino, as of November 11.

Habang 27 naman ang nasawi dahil sa Uwan, as of November 12.

The post LTO hindi muna magmumulta ng traffic violations, driver's license renewal appeared first on Bandera.


LTO hindi muna magmumulta ng traffic violations, driver’s license renewal LTO hindi muna magmumulta ng traffic violations, driver’s license renewal Reviewed by pinoyako on November 14, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close