BREAKING NEWS

Kiko nanawagan sa publiko, kumbinsihin si Robredo na tumakbo uling pangulo

Kiko nanawagan sa publiko, kumbinsihin si Robredo na tumakbo uling pangulo

KASAMA si Sen. Kiko Pangilinan sa mga Pilipinong nananawagan na muli sanang tumakbong pangulo ng bansa si dating Vice President Leni Robredo.

Sa kabila ng naging pahayag ng dating bise presidente na wala na sa plano niya ang kumandidato uling pangulo ng Pilipinas, marami pa rin ang nagsasabing dapat siyang tumakbo uli.

"'Naku,' dito na lang ako (sa Naga), ang dami-daming problemang dapat asikasuhin dito. Mas magagawa nating ayusin dito. Sila na lang doon (sa national politics), ang gugulo nila," ang pahayag ni Mayor Leni.

Kasunod nga nito, nanawagan sa madlang pipol si Sen. Kiko na  kumbinsihin ng publiko ang alkalde ng Naga City para sa 2028 national elections.

Baka Bet Mo: Kiko Pangilinan kinalampag matapos itampok ang Maguad siblings sa MMK

Sa kanyang Facebook page, nag-post ang mister ni Megastar Sharon Cuneta na habang maraming panawagan ngayon ng "BBM, resign", mas nais niyang maging maingay ang panawagan kay Leni na i-consider muli ang pagtakbong presidente.

Ibinahagi ng senador ang artcard ng BANDERA hinggil sa naging statement ng dating VP sa desisyon niyang huwag nang makigulo pa sa national politics at masaya na siya sa pagiging mayor ng Naga.

Ang caption dito ni Senm Kiko, "Saan tayo patungo? Ano kaya ang solusyon sa gulo? Magulo nga sa ngayon. 

"At sa gulo ng sitwasyon sa bansa ngayon, dapat lang na ang panawagan ay ikulong ang mga kurakot! 

"At sa panawagan na 'Bbm resign' naman, mas gugustuhin ko na ang panawagan na kumbinsihin natin lahat si Leni na magbago ng isip, tumakbo muli bilang Pangulo sa susunod na halalan at sama sama natin idalangin na pumayag sya para sa bayan, para sa tapat at totoong pamumuno. 

"Sya nawa."

The post Kiko nanawagan sa publiko, kumbinsihin si Robredo na tumakbo uling pangulo appeared first on Bandera.


Kiko nanawagan sa publiko, kumbinsihin si Robredo na tumakbo uling pangulo Kiko nanawagan sa publiko, kumbinsihin si Robredo na tumakbo uling pangulo Reviewed by pinoyako on November 21, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close