BREAKING NEWS

Anjo Yllana hindi raw nagpapapansin sa social media: Nagkataon lang!

Anjo Yllana hindi raw nagpapapansin sa social media: Nagkataon lang!

NAG-SORRY sa madlang pipol ang actor-comedian na si Anjo Yllana sa kanyang mga kinasangkutang isyu kamakailan sa social media.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube vlog nang huli ay nausisa siya patungkol sa mga isyung nag-viral at talagang pinag-usapan.

Chika ni Anjo, "Unang-una, marami akong sama ng loob na mga pangyayari before. 'Yang mga sama ng loob na 'yan, siyempre tinatanim ko 'yun. Hindi ko naman nilalabas 'yun. Hindi naman ako mahilig mag-revelations noon. Hindi ako mahilig magreklamo so nakatagp ang mga 'yun.

At dahil bago sa kanya ang pagti-TikTok live ay aminado siya na nami-mishandle niya ang sarili at nadadala siya sa tuwing binabanatan ng bashers.

Baka Bet Mo: Anjo Yllana binanatan si Jose Manalo, naging dyowa si Mergene: Ahas!

"Nabubuhay 'yung ibang alaala na hinanakit ko sa loob tapos isa dun sa pinakatiniis ko dati ay 'yung nag-away 'yung Eat Bulaga at 'yung management. Nasama ako doon, nagbigay ako ng konting [statement]. Na-misunderstood ng ibang tao, doon nagsimula yung bashing sa akin," lahad ni Anjo.

At doon na siya nagsimulang magkuwento at maglabas ng hinanakit dahil gumagaan ang kanyang pakiramdam pero may kapalit ito.

Kaya nga noong may mga kumakausap sa kanya at pinapagalitan siya ay nagdesisyon na si Anjo na huminto at mag-lie low dahil nakakasakit na rin siya.

"Ano ba itong nagawa ko, parang nagulo ko 'yong mundo ng social media… Hindi ako nagpapapansin. Hindi ako mahilig ng limelight, ako'y mahilig lang mag-interact.

"Nagkataon lang, I'm sorry, nailabas ko 'yong mga naitatago kong damdamin noon.," sabi pa ni Anjo.

Chika ni Anjo, aminado naman siyang hindi madali ang humingi ng tawad sa netizens ngunit ang mahalaga ay naisip niya kung kailan siya dapat tumigil.

"Hindi ganoong kasimple pero para sa akin, at least nag-hold back ako noong na-realize ko. Because of my friends, because of my family, because of my children na sinasabing 'what are you doing?

"Hindi ko na na-realize na ganoong kalaki na 'yong impact. Including that particular day na nagkuwento ako dati kay Snooky naman. 'Yong nagsalita na si Kumareng Kris [Aquino]," lahad ni Anjo.

Aniya, natuwa lang daw talaga siya sa tuwing nagkukuwento siya ng kanyang nararamdaman.

"Kasi nga natuwa na ako noong time na 'yon, that particular week na bukod sa naglalabas ako ng sama ng loob, nagkukuwento naman ako," sey pa ni Anjo.

The post Anjo Yllana hindi raw nagpapapansin sa social media: Nagkataon lang! appeared first on Bandera.


Anjo Yllana hindi raw nagpapapansin sa social media: Nagkataon lang! Anjo Yllana hindi raw nagpapapansin sa social media: Nagkataon lang! Reviewed by pinoyako on November 22, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close