Vice Ganda makikiisa sa ‘Baha sa Luneta’ rally kontra korapsyon

ISA ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa mga celebrities na makikiisa sa "Baha sa Luneta" rally sa Linggo, September 21.
Sa kanyang Instagram story, matapang na ibinandera ni Vice ang kanyang panawagan na ito na ang tamang panahon para manindigan para sa Pilipinas.
"Magkita-kita tayo sa Luneta sa Linggo. Oras na para wakasan ang kagarapalan ng mga hayop na magnanakaw sa gobyerno," ang mensahe ng TV host-comedian.
Bukod kay Vice inaasahan din ang pagdalo ng iba pang artista at personalidad sa naturang kilos-protesta sa Luneta at EDSA People Power Monument.
Ito'y upang kalampagin ang mga magnanakaw na politiko at mga korap na opisyal at government contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Nauna rito, ilang ulit nang nagsalita si
Vice tungkol sa malawakang korapsyon sa bansa at ikinumpara pa kung paano tratuhin ng lipunan ang mayayaman at mahihirap.
"'Yung mga nahuhuling tindera, 'yung mga sidewalk vendors, kapag nahuhuli 'yan, kinukumpiska, minsan sinisira ang paninda, 'di ba? Kinukulong. Hindi ko rin malaman paano ko sasabihin.
"Paano natin susuportahan 'yun kasi hindi siya legal sa usaping legal. 'Di ba hindi legal ang pwesto ninyo? Paano natin sasabihin na okay lang 'yan, tama lang 'yan? 'Di ba? Kawawa, 'di ba?" sey ni Vice.
"Sinisira ang gamit, kinukulong, eh kung tutuusin maliit lang 'yun. 'Yung malalaking mga krimen ang ginagawa, hindi naman natin nakikitang nakukulong," aniya pa.
The post Vice Ganda makikiisa sa 'Baha sa Luneta' rally kontra korapsyon appeared first on Bandera.
No comments: