Ilang klase sa bansa #WalangPasok dahil sa masamang panahon

SINUSPINDE ng ilang local government units ang pasok ng ilang paaralan ngayong araw ng Lunes, September 8, dahil sa masamang panahon.
Ayon sa 5 a.m. weather forecast ng PAGASA, kasalukuyang umiiral ang easterlies o mainit na hangin mula Pacific Ocean sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Bagamat magiging maaliwalas ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan pa rin ang panandaliang pag-ulan sa Visayas at Mindanao tuwing hapon at gabi dahil sa thunderstorm clouds.
Baka Bet Mo: PAGASA: 2 hanggang 4 na bagyo ang aasahan ngayong Setyembre
Narito ang mga lugar na walang pasok:
Luzon
- Masantol, Pampanga: suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private
- Angeles City, Pampanga: suspendido rin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private
Visayas
- Pilar, Bohol: walang pasok sa lahat ng antas, public at private; lilipat sa online at modular learning
- Clarin, Bohol: walang klase sa lahat ng antas
- Guindulman, Bohol: walang klase sa lahat ng antas
- Dimiao, Bohol: kanselado rin ang klase sa lahat ng antas
- Escalante, Negros Occidental: suspendido ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan
Mindanao
Walang pasok sa lahat ng antas, public at private, sa mga sumusunod na bayan sa South Cotabato:
- Surallah
- Tampakan
- Polomolok
- Tboli
- Banga
- Lake Sebu
- Tupi
- Norala
Wala ring klase sa lahat ng antas sa General Santos City.
The post Ilang klase sa bansa #WalangPasok dahil sa masamang panahon appeared first on Bandera.

No comments: