Guro, Inaalagaan ang Anak habang Nagtuturo sa kaniyang mga Estudyante
Hinangaan ng mga netizen ang isang guro mula sa pampublikong paaralan sa Negros Occidental, matapos niyang ibahagi ang kaniyang pagganap sa tungkulin ng pagtuturo, habang inaalagaan ang kaniyang anak na babae.
Ipinost ng gurong si Ma'am Renilen Casagan- Tingson, 28 taong gulang, na habang nagtuturo siya ay karga at bitbit niya ang kaniyang anak, habang nagtatranaho siya ay naaalagaan niya pa ang kaniyang anak na babae.
Ipinost ng gurong si Ma'am Renilen Casagan- Tingson, 28 taong gulang, na habang nagtuturo siya ay karga at bitbit niya ang kaniyang anak, habang nagtatranaho siya ay naaalagaan niya pa ang kaniyang anak na babae.
“Di ako masamang empleyado dahil nanay ako, at di rin ako masamang nanay dahil empleyado ako,” giit ng guro.
“Sila: paano trabaho mo, kung lagi mong dala ang anak mo?”
“‘Unfiltered moment in my life as a working mom.’ Kapag naging nanay ka malalaman mo talaga kung hanggang saan ang kaya mong gawin/ibigay para sa anak at mga anak (student) mong umaasa sa’yo sa bawat araw.”
Alam daw ng kaniyang mga estudyante na kahit kasama niya at inaalagaan niya ang anak sa paaralan ay hindi naman daw siya nagpapabaya sa kaniyang trabaho at tungkulin sa mga ito.
“My students know everything, just ask them kung gusto mo ng proof. Di porket dala ko anak ko sa trabaho araw-araw pinapabayaan ko ang responsibilidad ko bilang guro sa mga estudyante ko. Weeks na lang magtatapos na ang school year na ito pero proud ako sa sarili ko kahit kailan di ko pinabayaan ang pagiging guro/trabaho/responsibilidad ko sa mga anak ko (students).”
“YOU are not considered less of a worker if you’re a mother,” ani nito.
Ayon sa panayan ng Balita kay Ma'am Renilen, sinabi nito ang dahilan kung bakit isinasama niya ang kaniyang anak sa trabaho.
Lumaki raw ang guro na walang mga magulang at alam niya anh pakiramdam na walang nag-aalaga at nag aarugang magulang, kaya nais niya na hindi ito maranasan ng kaniyang anak, at nais niya na maging hands-on dito.
. Ayaw din umano niyang ipa-alaga at ipagkatiwala ang anak niya sa ibang tao dahil maraming nga kaso ngayon ang mga minamaltrato ang mga bata, at alam niyang maraming masasamang tao sa paligid, lalo na at babae ang kaniyang anak.
Mahihirapan din siyang makapag-focus sa trabaho sa kakaisip sa kaniyang anak kapag ipina-alaga ito sa iba.
Mayroon rin daw trabaho ang ama nito.
Labis na hinangaan ang guro ng mga netizen dahil hindi niya napapabayaan ang kaniyang anak gayundin ang kaniyang mga estudyante.
Source: Noypi Ako
Guro, Inaalagaan ang Anak habang Nagtuturo sa kaniyang mga Estudyante
Reviewed by pinoyako
on
May 23, 2023
Rating:
No comments: