BREAKING NEWS

Isang bata nag-online shopping ng mga laruan na umaabot sa halagang 4k sa Shopee!!


Patok na patok ngayon sa ating mga kababayan ang on line shopping lalong lalo na ngayong pandemya.

Gaya na lamang sa nangyari sa isang ginang sa probinsya ng Bohol nang laking gulat nya ng may biglang dumating na delivery sa kanilang bahay na inorder mula sa isang online store sa Shopee.

Ito pala ay kagagawan ng kanyang 3 years old na anak na si Nathan, na umaabot sa higit apat na libong piso (4,000) ang halaga ng mga laruan.

Ayon nga sa kuwento ng tiyuhin ng bata, nagpaalam naman noong December 8 ang kanyang tatlong taong gulang na pamangkin na si Nathan Pana sa kanyang ina, na noon ay abala sa pag dedekorasyon ng kanilang bahay para sa darating na pasko na mag oorder ito sa Shopee.


Paalam ni Nathan sa kanyang ina, “Mama Len order ko sa Shopee,” ani ng bata.

Dahil nga sa abala ang kanyang mommy Len sa pag dedecorate ng kanilang bahay, hindi nito sineryoso ang sinabi ng anak at kampante din sya na hindi naman marunong ang bata kung papaano umorder gamit ang on line shopping.

At nitong December 20 ay nakatanggap ng tawag ang mommy ni Nathan mula sa isang delivery rider na may parating ito na inorder niya.


Ang akala pa nya nung una ay nagka mali lamang ang message na natanggap mula sa delivery rider kaya hindi niya ito pinansin at alam nya mismo na wala naman syang inorder na anuman sa on line shopping.

Subalit maya maya pa ay dumating ang malaking package na dala ng delivery rider. At dito nya napagtanto na ginamit nga pala ni Nathan ang kanyang cellphone kaya naka order sa Shopee gamit ang kanyang account dito.

Ang inorder, isang rechargeable toy motorcycle at isang toy backhoe na may pedal na umaabot sa apat na libong piso (4,000).

Dagdag pa ng tiyuhin ni Nathan, sa tuwing umoorder ang ina nito sa Shopee ay palagi raw nakatingin ang bata, pero hindi nila inakala na matututunan nito kung paano umorder dito.

Kanila na sanang ika-cancel ang order dahil sa malaking halaga ito, pero nakiusap daw ang delivery rider na huwag ng kanselahin ito dahil nahirapan daw siya sa pag-deliver ng malalaking kahon ng laruan.

Wala ng nagawa ang buong mag-anak kundi mag-ambagan na lamang upang mabayaran ang mga inorder ni Nathan na umabot ang halaga sa mahigit apat na libong piso na dapat sana ay pandagdag para sa ihahanda sa pasko.

Hindi na raw nila nagawang pagalitan ang bata dahil “sweet” naman daw ito at bibo. Inisip na lamang nila na magsilbing aral sa ibang mga magulang ang nangyaring ito sa kanila.

Kaya dapat umanong itago ang kanilang mga cellphone sa kanilang mga anak dahil lingid sa kanilang kaalaman na matatalino na ang mga bata ngayon lalo na sa paggamit ng cellphone at iba pang gadget.

Source: Noypi Ako
Isang bata nag-online shopping ng mga laruan na umaabot sa halagang 4k sa Shopee!! Isang bata nag-online shopping ng mga laruan na umaabot sa halagang 4k sa Shopee!! Reviewed by pinoyako on February 05, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close