BREAKING NEWS

Ina, Bitbit ang Anak sa Eskwelahan hanggang sa Makatapos ito!





Inspirasyon ang hatid ng 36-anyos na nagtapos sa kolehiyo sa kabila ng kabi-kabilang pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Siya si Ira Lectana Baldonaza, bitbit niya sa eskwelahan ang kanyang anak na sanggol pa lamang dahil walang ibang mag-aalaga dito. Bukod pa rito, may kundisyon ang kanyang anak na tinatawag na G6PD defficient na maaaring maging anemia.




Kinakailangang tama ang ipapakain at oras ng pag-inom ng gamot sa kanyang anak. Kasabay ng pag-aalaga sa kanyang anak, ipinagpatuloy ni Ira ang kanyang pag-aaral. Nabuntis kasi si Ira noong siya ay 4th year college at napilitang huminto. Nang magkaroon ng pagkakataon ay ipinagpatuloy ni Ira ang pag-aaral at nakapagtapos sa kolehiyo sa kursong Elementary Education sa Eastern Samar State University Can-Avid Campus.





Hindi inaasahan ni Ira na mag-viviral ang kanyang istorya, "I didn't expect na mag-viral. Ang sa akin lang, 'yung tuwa na makasama anak ko sa graduation pictorial namin. Sana madami pang ma-inspire sa story ko, at they too can continue to reach their dreams kahit madaming pagsubok."





Sa ngayon ay kumukuha ng Basic english course sa TESDA si Ira at patuloy niyang tinutupad ang kanyang mga pangarap kasama ng kanyang anak.

Source: Noypi Ako
Ina, Bitbit ang Anak sa Eskwelahan hanggang sa Makatapos ito! Ina, Bitbit ang Anak sa Eskwelahan hanggang sa Makatapos ito! Reviewed by pinoyako on February 03, 2023 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close